in

OMGOMG LoveLove CuteCute CryCry AngryAngry

Nagulat Ang Isang Dalaga Nang Makatanggap ng 23,000 Pesos Mula Sa Kaniyang Ninang Na Hindi Nakabigay Sa Kaniya Mula Noon Pa

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sabi nila ang mga Ninong at Ninang ay mga pangalawang magulang ng isang bata. Ang paggabay ng mga Ninong at Ninang ang pangunahing pangangailangan sa kanila ng mga bata. Ngunit, nauuso talaga tuwing kaarawan at pasko ang pagbibigay ng mga Ninong at Ninang sa kanilang mga inaanak. Minsan ang ibang mga magulang sila pa ang nagde-demand na humingi sa mga Ninong at Ninang ng kanilang mga anak. Kaya dahil sa mga ganitong pangyayari tila nababago ang totoong kahulugan ng pagiging isang Ninong at Ninang. Pero maswerte pa rin kung may mga Ninong at Ninang talaga ang malugod na nagbibigay.

Source: Google

Isa na rito ang kwento ng isang dalagitang nag-viral ngayon sa Facebook, dahil sa kaniyang natanggap mula sa kaniyang Ninang. Ang dalagang ito ay 23-taong gulang na. Ayon sa kaniya, siya umano ay biglang pinadalhan ng kaniyang Ninang ng Php23,000 cash bilang regalo sa kaniya sa mga lumipas niyang kaarawan at pasko. Hindi naman raw inaasahan ito ng dalaga nang bigla na lang nag-message sa kaniya ang kaniyang Ninang, kung saan tinanong siya kung natanggap na niya ang padala nito. Nagulat naman ang dalaga at labis na natuwa dahil hindi niya inaasahan ang pagbibigay ng kaniyang Ninang.

Kaya napakaswerte naman ng dalaga dahil nagkaroon siya ng instant Php23,000 galing sa kaniyang Ninang na mula pa sa ibang bansa. Napakabait naman ng Ninang na ito dahil kahit 23 taon na ang nakalilipas inalala niya pa rin ang magbigay sa kaniyang inaanak. Marami naman ang mga netizens na napa-wow sa naging post ng dalaga at dahil dito mapapa sana all ka na lang talaga.

Source: Google

Dahil sa ibinahaging post ng dalaga, karamihan sa mga netizens ay tinag ang kanilang mga Ninong at Ninang sa post. Narito ang naturang mga komento.
“Hindi pera mula sa kaniyang ninong at ninang ang kukumpleto sa kaniyang Pasko. “I don’t need money. My only wish is to have my lola back this Christmas.”
“Kung ganito na ang panahon ngayon, ayoko na talaga mag Ninang. Kakatak0t baka makul0ng ako pag ‘di ako makabigay tuwing sisingilin ako ng mga inaanak ko.”

“The best gift we can have from our ninongs and ninangs are life advices from their experiences.”
Nauuso man ang singilan sa mga Ninong at Ninang, ang mahalaga sila ang matatakbuhan ng isang bata sa panahon na ay ito ay mangailangan ng tulong. Ito man ay emosyunal, pisikal, mental at pinansiyal man ay mayroon silang pangalawang mga magulang na malalapitan.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Mga Anak Ng Isang Tricycle Driver at Mananahi, Pinatayuan Ng Mansyon Ang Kanilang Magulang

Basurerong Nakapulot Ng Mahigit 200,000 Pesos Inulan Ng Papuri At Napromote Sa Trabaho Matapos Nito Isauli Ang Pera Sa May-ari