in

Basurerong Nakapulot Ng Mahigit 200,000 Pesos Inulan Ng Papuri At Napromote Sa Trabaho Matapos Nito Isauli Ang Pera Sa May-ari

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Maraming nababalitang krimen at kasamaan sa radyo at telebisyon, at bilang lamang ang mga balitang nagpapakita ng kabutihan at pagmamalasakit sa kapwa. Datapwat, sa bawat sandali na may kababayan tayong nagpakita ng kabutihan sa kapwa ay nararapat lamang na kilalanin at ibahagi ang ganitong mga balita.

Isang kababayan natin na basurero ang nabigyan ng parangal matapos nito isauli ang napulot na pera sa may-ari. Siya ay si Reny Corpuz mula Urdaneta, Pangasinan at tapat na naglilingkod sa mga lugar na kinokolektahan niya ng basura.

Source: Balitambayan

Ayon sa namumuno sa lugar, ay nakakita umano si Reny ng 500-peso bills sa ibabaw ng basura. Siya umano ang naka-assign sa ibabaw at napansin nito na may nakalat na pera sa ibabaw ng garbage truck. Sinimulan nitong likumin ang lahat ng 500-peso bill hanggang sa nakita nito ang isang paper bag na naglalaman ng marami pang 500-peso bills.

Source: Dionisio Bergonia

Ang kabuuan na pera na nalikom ni Reny sa ibabaw ng garbage truck ay Php. 191,000. Ayon sa GMA News, ay agad umanong lumapit si Reny sa kinauukulan upang isauli ang pera sa nagmamay-ari nito. Ayon kay Reny ay isinauli niya ito dahil hindi ito sa kanya at hindi niya ito pinaghirapan.

Source: Dionisio Bergonia

Ang perang nasa paperbag ay aksidente umanong naitapon dahil nagsasagawa ng general cleaning nang araw na iyon ang isang establishamento. Agad namang naisauli sa nagmamay-ari ang pera at marami ang hanga sa katapatan ni Reny.

Source: Dionisio Bergonia

Proud naman ang pamilya at kaanak ni Reny sa pagiging matapat na tao nito at naniniwala ang mga ito na mas malaking biyaya ang darating sa bawat kabutihan na ginawa. Tiyak naman na mas malaki ang balik kay Reny lalo na’t na promote ito sa trabaho. Sinigurado ito ng Urdaneta City GSO head Emily Lucero na kung dati ay contractual ito, ay magiging casual na umano ito sa trabaho.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Nagulat Ang Isang Dalaga Nang Makatanggap ng 23,000 Pesos Mula Sa Kaniyang Ninang Na Hindi Nakabigay Sa Kaniya Mula Noon Pa

Proud Na Ipinasilip ng Hunk Actor na si Enchong Dee Ang Kaniyang Malawak na Palaya Shrimp Farm sa Zambales!