in ,

LoveLove CuteCute

Ruffa Mae Nakatanggap Ng Bagong Kotse Mula Sa Asawa Para Sa Kanyang Birthday

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ubod ng saya at tuwa ang nararamdaman ni Rufa Mae nang malaman nitong Kotse pala ang regalo sa kanya ng kanyang asawa para sa kanyang birthday. Sa isang Instagram post ay pinakita ni Rufa Mae ang isang video na nagdadrive ito ng bago nitong kotse.

Source: Ruffa Mae Quinto IG

Caption naman ng aktres ay, “Birthday Gift. Saya saya namin mag-ina! Salamat Mahal @trevvsilog!” Kitang-kita sa video ang abot tengang ngiti habang nagmamaneho ng bagong sasakyan.

Source: Ruffa Mae Quinto IG

Kasalukuyang nasa California si Rufa Mae kapiling ang kanyang asawa na si Trevor Magallanes at ang anak na si Athena. Ikinasal si Trevor at si Rufa Mae noong November 2016 at biniyayaan sila ng anak na babae noong February 2017.

Noong February 2020 ay nagpunta si Rufa Mae at si Athen sa U.S upang makasama ang asawa ngunit nang dahil naglockdown noong mga panahon na ito dahil sa COVID-19 ay hindi makauwi ang mag-ina. Kalaunan ay nagpasya na ang dalawa na manatili sa U.S kapiling ang asawa. Noong September 2020 ay nagapply na ang mag-ina ng U.S. Green Card.

Source: Ruffa Mae Quinto IG

Unang lumabas sa Telebisyon si Rufa Mae nang mapabilang siya sa palabas na ‘That’s Entertainment’ noong 1996. Noong 2017 naman ay nabigyan siya ng kanyang kauna-unahang major role na Gloria, Gloria Labandera.

Source: Ruffa Mae Quinto IG

Ilan pa sa mga naging pelikula ni Rufa Mae ay ang ‘Apat Dapat, Dapat Apat’, Desperadas, Desperadas 2, Pagdating NgPanahon, Captain Barbell, Super B, Mary, Marry Me, Manay Po 2, I.T.A.L.Y, Kimmy Dora, Si Agimat at si Enteng Kabisote, Temptation Island, Raketeros, Huling Henya, at Pasukob.

Source: Ruffa Mae Quinto IG

May pagkajolly at komedyante si Rufa kaya naman ay mahal na mahal siya ng mga manonood. Minsan na itong sumali sa mga game shows at makikita talaga na ito’y may angkin na talino. Madalas rin siyang mag guest sa It’s Showtime na minsa nang naging contestant sa mga palaro nito.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Nakaipon Ang Isang OFW Ng Halos 1 Milyon Dahil Sa Paghinto Niya Sa Kaniyang Paninigarilyo at Pag-oonline Games

Mga Anak Ng Isang Tricycle Driver at Mananahi, Pinatayuan Ng Mansyon Ang Kanilang Magulang