in ,

OMGOMG

John Lloyd Cruz, proud na ibinahagi ang kaniyang natanggap na regalo mula sa kaniyang anak na si Elias noong “Father’s Day”

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang “Best Actor of the Decade” na si John Lloyd Cruz ay labis na natuwa sa kaniyang muling pagbabalik. Sa huling proyekto ng aktor na “Finally Found Someone” siya huling nasilayan ng kaniyang mga tagahanga. Kaya naman labis nalungkot ang mga ito, nang pansamantalang iwan ng aktor ang showbiz. Ang lahat ng tao na sumusuporta sa kaniya ay labis na nagulat sa kaniyang paglisan sa telebisyon.

Hanggang sa kumalat ang balitang nagkaroon sila ng relasyon ng sexy actress na si Ellen Adarna nang mapanood sila sa isang video. Dagdag pa rito, ang pagkakaroon nila ng isang anak na lalaki na si Elias na halos kamukha ni John Lloyd at Ellen. Ngunit ang kanilang pagsasama ay hindi rin naman nagtagal at nauwi rin ito sa hiwalayan. Magkaganun pa man, pareho naman silang nagkakasundo na magiging mabuting magulang sila sa kanilang anak.

Source: JLC_BEA4EVER IG

Kamakailan nga lamang, magkasama ang mag-amang John Lloyd at Elias na nagcelebrate ng “Father’s Day” noong June 18, 2021 sa Boracay. Dito masayang nagdiwang ang mag-ama ng kanilang triple celebration kung saan hindi lang basta “Father’s Day” ang kanilang ipinagdiwang bagkus pati na rin ang kaarawan ni John Lloyd at ni Elias. Maagang ipinagdiwang ni John Lloyd ang kaniyang ika-38 na kaarawan sa June 24, habang ang kaniyang anak na si Elias naman ay sa June 27. Nasisiyahan ang aktor sa isang masayang sandali na nakasama niya ang kaniyang anak sa araw ng mga ama.

Source: JLC_BEA4EVER IG
Source: JLC_BEA4EVER IG

Ayon sa isang follower ng aktor sa kaniyang Instagram na si @ JLC_BEA4EVER, nakita umano si Elias na inaabot sa ang kaniyang daddy ang isang card para sa “Father’s Day”. Naantig ang puso ng aktor sa kaniyang natanggap mula sa kaniyang anak kaya naman mahigpit niya itong niyakap at hinalikan upang maipadama ang kaniyang labis na pagmamahal rito.

Source: JLC_BEA4EVER IG

Kaya naman marami sa ang mga netizens ang naantig din sa ginawang surprise ni Elias sa kaniyang ama. Katulad na lamang ng mga ito.
“Naiyak ako sa bait ni elias sa papa nya”.
“purest love of a son to his dad.”

Source: JLC_BEA4EVER IG

Nag-enjoy ang mag-ama sa kanilang yate cruise kasama ang kanilang mga kaibigan. Makikita rin sa isa sa mga post na masayang nakikipag sunbathing si Elias sa kaniyang ama. Mayroon ding uploader ang nagbahagi na masayang nagmamasid si Elias sa mga nakatutuwang unggoy sa paligid ng lugar.

Source: JLC_BEA4EVER IG
Source: JLC_BEA4EVER IG

Kasama nila John Lloyd ang manager ng talent ng aktres na si Maja Salvador at ang kasintahan na si Rambo Nuñez. Si Maja ngayon ang chief excutive officer ng Crown Artist Management kung saan kasalukuyan nilang talent ang aktor. Kasama rin nila Chief Operating Officer ng Crown Artist Management na si Mikki Gonzales at ang tanyag na photographer na si Andre Suleik. Sa kanilang pananatili sa boracay masayang karanasan ito kay John Lloyd na makasama uli ang kaniyang anak.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang Ama Hinangaan Nang Mapagtapos Ang Kanyang 4 Na Anak Sa Pagbebenta Ng Tali Sa Buhok

TINGNAN: Ang Napakaganda at Magarang bahay ng aktor na si John Estrada na may golf course at malawak na swimming pool!