Sa edad na 102 hindi naging hadlang ang kaniyang katandaan upang makapagtrabaho, nagsisikap at nagtatiyaga si lolo na maglako ng kaniyang panindang duyan. Nakilala ang matanda na si Tony Villanueva na nagmula sa probinsya ng Leyte at ginagawa niya ito upang may maipakain at maisustento sa kaniyang pamilya.

Sa edad niyang ito kitang-kita ang kaniyang pagpupursige at sa mahinang pangangatawan ay nakakayanan pa niyang magbuhat ng mabigat na duyan at ikutin ang buong barangay ng Rizal sa ilalim ng tirik at mainit na araw upang makabenta lang dahil isang malaking bagay na para sa matanda ang makabenta ng kahit isa lang sa kaniyang mga nilalako.

Na-ikwento rin ng matanda ang kaniyang mga sikreto kung bakit siya umabot sa edad na 102 at nananatili pa ring malakas. Ayon sa kaniya, mga healthy natural foods lamang ang kaniyang mga kinakain tulad ng isda at gulay, hindi rin daw siya kumakain ng karne at mga pagkaing maraming chemicals o may vetsin. At dahil sa isang post ng nagngangalang Rhodz Jimenez Casio-Salili nagviral sa social media ang kwento ng kasipagan ng matanda, marami ang humanga at naawa sa pagpupursige nito.
Nais rin ng nagpost na mabigyan ng tulong at benepisyo ang matanda, at nawa’y makarating ang kwento ni lolo Tony sa pamahalaan ng kanilang munisipyo para maabutan ito ng kahit kaunting tulong dahil sa alam naman ng marami na maraming benepisyo ang nilaan ng gobyerno para sa mga matatanda lalo na sa may mg edad na kagaya ni lolo Tony.

Basahin dito ang buong detalye ng post ni Rhodz Jimenez Casio-Salili:
“Pasikatin natin itong si tatay Tony Villanueva from Leyte, 102 years old na po siya pero malakas pa at naghahanapbuhay ng marangal, nilalako niya yung paninda niyang duyan sa buong Brgy. Rizal, kahit mabigat ang duyan hindi alintana ang pagod makabenta lang, ang sikreto daw niya sa malakas na pangangatawan ay walang betsin at karne, puro gulay at isda lang daw kinakain niya, paki share nalang para may bumili ng paninda niya at makarating sa local government para matulungan at makuha ang benepisyo niya sa edad niya.”
Comments
Loading…