in

Group CEO at Co-founder Ng Grab Ay Masayang Ibinahagi Ang Kaniyang Karanasan Na Maging Isang Delivery Rider

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Dahil sa pandemiya nauuso na ang mga online services kung saan idinideliver na lamang ang mga pangunahing pangangailangan upang maiwasan ang paglabas ng tahanan. Kaya marami sa ating mga delivery rider ang nagsisipag sa kanilang trabaho upang maihatid lang ng maayos ang ating mga order.

Source: Anthony Tan

Isang masayang karanasan ang ibinahagi ng Group CEO at Co-founder ng Grab na si Anthony Tan ang kaniyang pagiging isang GrabFood delivery rider for a day at siya ay nakikipagpartner sa isang delivery rider ng Grab na kinilalang si Mr. Lim. Isang kapuri-puring karanasan ito para sa isang CEO ng kompanya, kung saan kaniyang ipinaranas sa kaniyang sarili kung paano ang maging isang delivery rider. Siya ay naging isang delivery rider upang malaman niya ang proseso ng kanilang serbisyo at paano ito pinapagbubuti.

Source: Anthony Tan

Ayon pa kay CEO Anthony, “I try to do GrabFood delivery every few months. I went on foot the last time, and decided to cycle this time. I buddied up with Mr Lim, an experienced delivery-partner. Here’s our assessment of how I did.”

Nung una siya raw ay talagang nahirapan dahil nalimutan niya daw tanggalin ang baby seat ng kaniyang bagong bisikleta upang maging espasyo sa kaniyang GrabFood bag. Hindi na-install ang mga metal stick sa kaniyang bag, kaya hindi ito nakasara nang mahigpit. Sinigurado rin niyang ang mga orders ay nakabalot ng mabuti at tamang tama lang sa kaniyang delivery time. Dagdag pa niya hindi alam kung saan ipaparada ang kaniyang bisikleta lalo pa’t umuulan. Inabot raw siya ng isa’t dalawang oras bago niya makumpletong maideliver lahat ng kaniyang 4 na mga orders.

Source: Anthony Tan

Ayon sa kaniyang delivery rider partner na si Mr. Lim, matagal din daw niya bago nakukumpleto ang kaniyang 5 mga orders. Kaya naman malaki ang pasasalamat sa kaniya ni Anthony dahil ginabayan siya nito at naglaan talaga ng oras sa kaniyang naging trabaho bilang isang delivery rider. Humahanga si Anthony kay Mr. Lim dahil sa pagiging isang ama sa kaniyang anak na 14 na taong gulang at nagsisipag sa araw-araw niyang pagdedeliver upang makumpleto ang 20-30 na mga orders sa isang araw upang suportahan ang kaniyang pamilya.

Source: Anthony Tan

Kung kaya’t labis siyang hinahangaan ni Anthony kaya naman binigyan niya ng day-off si Mr. Lim para makapag-celebrate siya ng “Father’s Day” kasama ang kaniyang pamilya. Tulad ni Mr. Lim, milyon-milyon ng mga taong gumagawa ng kanilang makakaya sa araw-araw para sa kanilang mga mahal sa buhay.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Kinabiliban Ang Isang Matandang 102 Years Old, Na Patuloy Na Naghahanapbuhay Sa Pamamagitan Ng Paglalako Ng Mga Duyan Para Sa Kanyang Pamilya

Isang Ama Hinangaan Nang Mapagtapos Ang Kanyang 4 Na Anak Sa Pagbebenta Ng Tali Sa Buhok