in ,

CryCry

Security guard, Pinagtitiyagan Ang ulam Na Bawang at Sibuyas Alang-alang Sa Ipapadalang Pera Sa Kaniyang Pamilya

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa hirap ng buhay, karamihan sa mga tao ang nagtitiis at nagsasakripisyo para lang sa pamilya. Marami sa mga manggagawang Pilipino ang kumakayod ng sobra upang may maipadala lamang sa pamilyang umaasa. Kahit na tipirin ang sarili huwag lang ang pamilya.

Ito ang ipinakita ng isang security guard mula pa sa bansang Malaysia. Ang security guard na ito ay nakuhaan ng larawan habang siya ay kumakain na hawak ang kaniyang baunan na tanging kanin na may sabaw at ulam na sibuyas at bawang lang ang kaniyang pagkain. Ibinahagi ni Apit Lid sa kaniyang facebook ang nakakaawang kalagayan ng security. Ayon sa post na binahagi ni Apit Lid, maayos naman ang sweldo ng security guard na ito kaya lang sadyang nagtitipid lamang siya upang makapagpadala ng malaking halaga para sa kaniyang pamilya.

Source: Apit Lid

Aniya pa, hindi daw lumalagpas sa 100 Malaysian ringgit o Php 1,170 ang nagagastos ng security guard na ito sa loob ng isang buwan at ang natitira sa kaniyang sa sweldo na kaniyang ipinapadala sa kaniyang pamilya. Hindi na iniisip ng security guard ang iba niyang mga pangangailangan basta’t makapagpadala lang siya ng malaki sa kaniyang pamilya. Kahit na hindi nakakabusog ang kaniyang kinakain ang importante ay ang makakain ng masasarap na pagkain ang kaniyang pamilya.

Dagdag pa ni Apit sa kaniyang post, “Hopefully everything will be alright for him.” Dahil dito maraming pinoy netizens ang nahabag sa security guard. Kitang-kita nila ang pagsasakripisyo nito para lang magkaroon ng maginhawang buhay ang kaniyang mga mahal sa buhay. Ibinahagi rin ng facebook page na ‘Viral News Today’ ang kuhang larawan ng security guard at agad itong nag-viral.

Source: Apit Lid

Kahit saang bansa man tayo naghahanapbuhay, anumang hirap at sakripisyo ang ating nararanasan lagi nating inspirasyon ang ating pamilya na higit na umaasa sa atin. Huwag lang tayong mawalan ng pag-asa na sa bawat sakripisyo ay may magandang resulta.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Awra Briguela, Nagmamay-ari Na Ng Bahay Sa edad na 14 Anyos Pa Lamang

Isang Batang Akala Ay Nawawala Sa Mall, Nakatulog Lang Pala Sa Hindi Inaasahang Lugar