Karamihan sa mga magulang ay walang maaasahan na magbabantay sa kanilang mga anak kaya ay isinasama na lamang sila kung saan man kailangan pumunta. Ngunit sa bawat lakad ay mayroong pangamba na mawala ito lalo na kung panandaliang hindi sila mabantayan o kaya naman ay sa dami ng taong nakapaligid sa lugar. Kaya naman iba ang pakiramdam na naghalong takot at pagpapanic kapag nawala sila.
Katulad na lamang sa nangyari sa isang Ina na napansing nawawala ang anak habang namimili sa isang supply store. Sa isang Facebook post ni Judah Abonitalla ay ikinuwento nito ang karanasan nang mawala ang kasamang anak habang namimili sa Cagayan De Oro.

Ayon rito ay kasama niya ang kanyang anak na tatlong taong gulang na si Zacc, magwindow-shopping. Habang nagaantay ng sundo ay napansin niyang wala na pala sa kanyang tabi ang kanyang anak. Balisang pinaghahanap nito ang bata sa loob ng establishment at pinuntahan ang bawat tindahan na pinasok nila. Pinanatili nitong kalmado ang sarili upang makapagfocus sa paghahanap kay Zacc.
Nang makarating sa isang tindahan ay nakita nito ang tsinelas ng anak na nakakalat sa sahig. Agad na binalot ng takot at pagkabalisa ang Ina ng mga sandaling iyon. Ngunit may nagturo sa ilalim ng estante at naroon ang ang bata at mahimbing natutulog sa ibabaw ng polyester na doormat.

Agad na bumuhos ang tuwa at tawa ng ina at ng mga nakasaksi sa batang natutulog sa ilalim ng estante. Mahimbing itong natutulog at nakuha pang magtanggal ng tsinelas bago sumiksik sa ilalim.
Doon ay nakuha nitong kunan ng larawan ang anak, at ginising ito. Marahil ay gawa ng pagod sa pag-iikot sa loob ng mall ay nakatulog ang bata at ito ang lugar na may malambot na pwedeng mahigaan. Marami naman ang natawa sa kwento ni Zacc at sa pangyayaring ito. Nawa’y magsilbing paalala ito sa mga magulang na bantayan ng mabuti ang mga anak.
Comments
Loading…