in

Awra Briguela, Nagmamay-ari Na Ng Bahay Sa edad na 14 Anyos Pa Lamang

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sipag at tiyaga ang kailangan upang makamit ang mga pangarap. KAsama na rin ang diskarte at pagpupursige sa kabila ng mga pagsubok sa buhay. Marami sa ating mga kababayan ay nakamit ang kanilang pinapangarap sa murang edad pa laman, tulad na lamang ni Awra Briguela o si McNeal Briguela.

Source: Google

Sumikat si Awra sa social media at matapos nito ay naging parte siya ng cast ng FPJ’s Ang Probinsyano na ipinapalabas sa ABS-CBN. Siya’y personal umaning pinili ni CoCo Martin na makabilang sa isa sa mga inaabangan teleserye sa ABS-CBN.

Noong 2016 ay umanap si Awra sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya at dito ay nakitaan siya ng potential sa pagarte. Noong 2017 naman ay tinanghal itong overall champion sa Your Face Sounds Familiar, dito ay ipinakita ni Awra ang galing niya sa pag impersonate ng mga kilalang artista sa industriya.

Ayon kay Awra ay 2 years old pa lamang ito, alam na niya na bading ito at mahilig na rin ito mag impersonate ng mga artista tulad nila Sarah Geronimo, Sarah Labhati at Maja Salvador na siyang iniidolo rin nito. Magaling na artista at dancer si Maja at nakatrabaho na rin niya ito sa Ang Probinsyano.

Tunay na may talento si Awra sa pagarte, sa katunayan ay nakapaguwi ito ng 3rd Aral Parangal Awards bilang Best Child Performer. Naging nanay-nanayan rin ni Awra ang Unkabogable star na si Vice Ganda sa loob ng industriya. Napabilang rin si Awra sa mga pelikula ni Vice na Super Parental Guardians.

Dahil sa murang edad ay nagsisikap na si Awra sa kanyang karera sa showbiz ay nakapagpatayo na ito ng bahay sa Las Pinas sa habang teenager pa lamang ito. Isa rin si Awra sa mga nagdesisyon sa magiging disenyo ng bahay nito. Ipinakita nito sa Tonight With Boy Abunda ang loob ng bahay nito na may modern na disenyo.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Kilalanin Ang Napakagandang Anak ni Raffy Tulfo Na Kapansin-pansin Ngayon Sa Social Media

Security guard, Pinagtitiyagan Ang ulam Na Bawang at Sibuyas Alang-alang Sa Ipapadalang Pera Sa Kaniyang Pamilya