in

CuteCute OMGOMG LoveLove AngryAngry

Beach Front Resort ni Heart Evangelista sa Boracay, open na sa madla!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Artista, Entrepreneur at style influencer, yan si Heart Evangelista. Maliban sa kanyang nakaka-aliw na tiktok videos, ibinahagi nito sa kanyang Instagram story ang isang mala-paraisong beach resort na swak na swak ngayong summer.

Source: Harlan Boracay Ig

Ito ay ang Harlan Beach Villa at inanunsyo ng aktres na open na sa publiko ang beach-front resort na ito. Ipinakita nito ang magandang karagatan sa boracay at ang kakaibang disenyo ng mga villa. Kitang kita ang mga Filipino made na kagamitan at ang tropical style ng villa. Alam na alam ng actress na tiyak na papatok ang resort niyang ito kaya naman ay masasabing successful ang investment niyang ito.

Source: Harlan Boracay IG
Source: Harlan Boracay IG

Minsan nang nagpahinga rito si Heart tuwing bakasyon upang makapagrelax kasama ang kanyang pamilya. Makikita sa larawan ang puting buhangin at malinis na karagatan sa Boracay. Napapaligiran rin ang villa ng matataaas na Palm Trees at warm and nature-colors ang ginamit sa pagdisenyo ng interiors.

Source: Harlan Boracay IG
Source: Harlan Boracay IG

Isa sa mga idiniin ng actress ay ang security ng guest na mananatili rito dahil sanitized ang mga kwarto at facilities sa villa. Para naman sa mga magpamilya na guest ay inooffer ni Heart ang two-storey villa na mayroong malaking swimming pool sa gitna.

Source: Harlan Boracay IG
Source: Harlan Boracay IG

Para naman sa mga couples na mananatili sa villa ay mayroon ring maliit na villa para sa privacy nila. Isa sa mga attraction ng resort ay ang oblong stone bathtub na katabi ay isang malaking bintana na may magandang view. Mayroon ring veranda na katapat ang dagat kung saan pwedeng mamahinga at magrelax ang mga bisita.

Source: Harlan Boracay IG

Ang Harlan Beach Villa ay makikita sa Station Zero at abot-kaya umano ang mga presyo sa pagstay sa mga villa. Para sa mga katanungan ay maaaring magemail sa kanila sa info.harlanbeachvillaboracay@gmail.com at maaaring tawagan sa 09968218888. Ngayong pandemya ay mainam na magenjoy pa rin tayo sa summer ngunit samahan natin ito ng dobleng pag-iingat.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

62 Years Old Na Lola Masayang Nakapagtapos Ng High School Sa Kabila Ng Kanyang Edad

Kilalanin Ang Napakagandang Anak ni Raffy Tulfo Na Kapansin-pansin Ngayon Sa Social Media