in

Isang Lalaki Nakapagtapos Ng Pag-aaral Sa Kabila Ng Kanyang Malalang Karamdaman

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Walang impossible kung pagsisikapan nating maabot ang ating mga pangarap. Kahit ano pa mang balakid ang dumating sa buhay ay kayang lagpasan basta’t determinasyon ang pinanghahawakan. Sa laban ng buhay, hindi dapat sumuko dahil hindi makakamit ang inaasam kung susuko na lang basta-basta. Ito ang kwentong pinatunayan ng isang lalaking sa kabila ng kaniyang malubhang karamdaman ay hindi niya iniwan ang kaniyang pangarap.

Source: Philippine Star

Siya si Arnold Morales, 24 taong gulang nakapagtapos sa kursong Bachelor of Secondary Education Major in Filipino sa Tayabas Western Academy sa Candelaria, Quezon noong June 5, 2021. Si Arnold ay may matinding karamdaman habang siya ay nag-aaral ngunit hindi ito naging dahilan upang tumitigil siyang makamit ang mga ito. Siya ay na-diagnosed na may stage 5 Chronic Kidney Disease sa kaniyang peritoneal dialysis.

Ibinahagi ni Arnold ang kaniyang kwento upang maging inspirasyon siya sa bawat kabataan na maraming pinagdaanang pagsubok sa kanilang pag-aaral. Ayon kay Arnold, “Nais ko pong gawin nilang inspirasyon ang istorya ko, na kahit nahihirapan sila sa sitwasyon natin ng pag-aaral ngayon (online at modyular) huwag silang sumuko.”
Dagdag pa niya, siya ay kasalukuyan sa kaniyang dialysis treatment sa umaga habang siya nag-aattend ng kaniyang klase sa loob ng kaniyang apat na taon na pag-aaral sa kolehiyo. “Kung kinaya ko na may karamdaman, mas kakayanin nila,” aniya pa.

Source: Philippine Star

Kinakailangan pa raw ni Arnold ang sumailalim sa kidney transplant upang siya ay makabalik sa dati niyang buhay. Kaya hindi siya aktuwal na nakakapasok dahil sa kaniyang dialysis ngunit hindi ito naging hadlang upang mairaos niya ang kaniyang pag-aaral sa kolehiyo. Iisa lang ang bagay na laging tumatatak sa kaniyang isipan iyon ay ang gumaling na siya para makabalik na siya sa dati niyang buhay. Kahit na mahirap ang kaniyang pinagdadaanan nilalakasan lang ni Arnold ang kaniyang sarilli kumakapit na lang siya sa Panginoong Diyos na siya gagaling at maisasakatuparan niya ang kaniyang mga pangarap.

Source: Philippine Star

Kaya naman labis ang kaniyang naging kaligayahan ngayon dahil siya ay nakapagtapos ng kaniyang kolehiyo habang nilalabanan ang kaniyang sakit. Sabi pa ni Arnold, “‘Yung dialysis na po ang nagsilbing pamalit duon sa trabaho sana ng kidneys sa ating katawan. Ang kailangan po ay kidney transplant para matigil po yung dialysis at bumalik na sa normal ulit buhay po. Ngunit kami po ay kapos sa pinansyal kung kaya’t hindi po ako makapag-paopera.”

Ito ay isang inspirasyon para sa mga kabataang hindi sumsusuko sa pag-abot nila sa kanilang mga pangarap.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Bianca King, Ikinasal Na Sa Fiancé Nitong Si Ralph Wintle Sa Mismong Living Room Nila

Hinangaan At Kinaantigan Ang Isang Lolo Na Nagbebenta Ng Basahan Upang May Maipambili Ng Kanyang Gamot