in

62 Years Old Na Lola Masayang Nakapagtapos Ng High School Sa Kabila Ng Kanyang Edad

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang edukasyon ay walang pinipiling edad ang mahalaga ay ang pagsisikap na maabot ang mga pangarap. Hindi pa huli ang lahat upang makamit ang mithiin sa buhay. Narito ang kwento na magbibigay patunay na sa wala sa edad ang basehan upang magkaroon ng magandang kinabukasan.

Source: Philippine Star

Ito ang kwento ni Lola Josephine Amante Villatema, isang 62 taong gulang na nagsumikap ng makapagtapos ng pag-aaral sa high school sa kabila ng kaniyang edad. Si Lola Josephine ay nakapagtapos sa sekondarya sa pamamagitan ng Alternative Learning System (ALS) sa Timoteo Policarpio Memorial School sa Norzagaray, Bulacan.

Ayon kay Lola Josephine, pinagsikapan niya umanong makapagtapos ng high school dahil gusto niyang matupad ang kaniyang pangarap na makapag-aral ng culinary arts sa ilalim ng programa ng TESDA. Nagsipag si Lola Josephine sa kaniyang pag-aaral kahit siya ay matanda. Marahil siguro dala ng kahirapan kaya nawalan ng pagkakataon si Lola Josephine na maitaguyod ang kaniyang pag-aaral noon kung kaya’t elementarya lamang ang kaniyang natapos.

Source: Philippine Star

Kaya malaki ang naitulong sa kaniya ng programang ALS dahil dito nagbigyan siya ng pagkakataon na matapos niya ang kaniyang pag-aaral. Sa kabila ng kaniyang edad, talagang nagsumikap si Lola Josephine na makapagtapos ng pag-aaral dahil para sa kaniya hindi pa huli ang lahat. Naniniwala siyang walang pinipiling edad ang tagumpay. Ang kaniyang determinasyon ay inaalay niya para sa kaniyang pamilya. Ang ipinakitang pagsusumikap ni Lola Josephine ay isang inspirasyon na maituturing para sa mga taong gusto pang marating ang kanilang kinabukasan.

Anuman ang hirap ng buhay hindi ito hadlang para sa bawat pangarap na nais nating maabot kahit marami man ang taong pinaglipasan ng panahon. Huwag lang tayong mawalan ng pag-asa sa mga bagay na gusto nating maabot. Basta’t laging magtiwala sa poong maykapal na hindi niya tayo pababayaan sa ating bawat hakbangin sa buhay.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Child-actress Na Si Xia Vigor, Isang Tagapagmana Ng 14 Na Bahay Ng Kanyang Ama Sa England

Beach Front Resort ni Heart Evangelista sa Boracay, open na sa madla!