in

LoveLove CuteCute OMGOMG

Lady Pilot Na Agaw Pansin Ang Taglay Na Ganda, Trending Sa Social Media Ngayon

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Narinig na ba ninyo ang katagang, “Hindi lahat ng maganda, nagaartista. Ang iba ay, nagpipiloto.” Sa iba ay nilalagay nila sa dulo ang kanilang propesyon ngunit may katotohanan ang mga katagang ito. Bagamat may taglay na ganda ay hindi lahat nag aartista. Isa na rito ang lady pilot na sumikat sa social media.

Source: Khaysha Faizal

Siya ay si Khaysha Faizal na 24 taong gulang at nagtatrabaho bilang piloto sa isang Malaysian Airline Company. Marami ang nakapansin sa gandang taglay ni Khaysha kaya naman ay napag-uusapan siya sa social media. Ibinabahagi ni Khaysha ang kanyang mga litrato sa social media, kabilang ang mga larawan nito habang nasa loob ng eroplano.

Source: Khaysha Faizal

Sa kanyang Twitter naman ay nagpost si Khaysha ng kumakanta ng sikat na Malaysian rock music na “Rock kapak”. Umani naman ito ng maraming retweet at papuri sa kanyang magandang boses. Aminado naman si Khaysha na mahilig ito sa rock music lalo na mga musika mula 1980’s.

Source: Khaysha Faizal

Umabot ng 384,000 views ang video niya na ito sa tweeter at mahigit 200,000 na followers sa kanyang Instagram account. Mula sa papuri at paghanga, may ilan rin mga netizens ang nakapansin sa pagkakahawig nito sa sikat na artista sa Malaysia na si Lisa Surihani.

Source: Khaysha Faizal

Ayon naman kay Khaysha ay mahal nito ang kanyang trabaho at focus siya sa kanyang karera. Ayon sa panayam kay Khaysha ng Harian Metro, ang pagiging piloto ang pangarap na karera ni Khaysha simula noong 15 taong gulang pa lamang ito.

Source: Khaysha Faizal

Napansin rin ni Khaysha ang kakulangan sa babaeng piloto sa larangan na ito ay nais nitong i-encourage ang iba pang kababaihan na maging piloto. Proud umano ito sa piniling karera at masaya na kabilang siya sa Malaysia Airlines Berhad (MAB) na dating Malindo Air. Aminado si Khaysha na hindi naging madali ang kanyang paglalakbay bilang isang babaeng piloto ngunit talaga sinikap nito na maabot ang pinapangarap.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Mainit Na Tinanggap Ng Fans Ang Pagbabalik Sa Showbiz Ni John Lloyd Cruz Sa Ilalim Ng Talent Agency Na Pagmamay-ari Ni Maja Salvador

Bianca King, Ikinasal Na Sa Fiancé Nitong Si Ralph Wintle Sa Mismong Living Room Nila