in

Bianca King, Ikinasal Na Sa Fiancé Nitong Si Ralph Wintle Sa Mismong Living Room Nila

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang kasal ay isa sa mga pinapaplanuhan at pinag-iipunan ng mabuti ng dalawang magkasintahan. Subalit pagmamahal ang pinaka importanteng aspeto sa pagpapakasal, kaya naman nitong panahon ng p@ndemya ay marami ang piniling ikasal sa kanilang kabiyak kaysa sa mag-antay ng panahon na mawala ang kumakalat na nakakahawang sakit.

Tulad na lamang ng sikat na celebrity na si Bianca King. Sa latest post nito sa kanyang Instagram account, ibinahagi nito ang larawan na puno ng pag-ibig at pagmamahalan at may caption na, “Married in our living room.”

Source: Bianca King IG

Ikinasal na si Bianca na ngayon ay Bianca King Wintle, sa kasintahan nitong si Ralph Wintle. Sa Sydney, Australia na nakabase ang actress kapiling ang mister nito. Kung matatandaan, si Ralph Wintle ay ang nakababatang kapatid ni Ben Wintle, ang asawa ni Iza Calzado.

Source: Bianca King IG

Komento ni Iza Calzado sa post ni Bianca, “Welcome to the Family.” Agad naman itong binigyan ni Bianca ng reply na, “Sup, Mrs. Wintle.”

Sa mismong kasal ni Iza Calzado noong December 19, 2018 sa Palawan nagkakilala sina Ralph at Bianca King. Dito sila nagsimulang magkamabutihan hanggang sa nadevelop na nga sa pagmamahalan at nauwi sa kasalan.

Source: Bianca King IG

Matagal na rin namahinga sa showbiz si Bianca King, ngunit tiyak na isa ito sa mga artista na tumatak sa puso ng mga manonood. Maliban sa pagiging host nito ay lumitaw rin sa teleserye at pelikula si Bianca. Isa sa mga roles ni Bianca na matatandaan ng marami ay ang pagganap nito sa teleseryeng, ‘Mulawin’ bilang Aviona.

Source: Bianca King. Com

Siya rin ang gumanap bilang Natalia Montenegro sa palabas na ‘MariMar’. Ilan sa mga pelikula ni Bianca ay ang ‘Sosy Problems’, ‘San Lazaro’, ‘Working Girls’, ‘Wapakman’, ‘One True Love’, Gigil, ‘I will Always Love You’, ‘Oh My Ghost’, ‘Hari ng Sablay’, ‘Mano Po 4’ at ang ‘Mulawin the Movie’.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Lady Pilot Na Agaw Pansin Ang Taglay Na Ganda, Trending Sa Social Media Ngayon

Isang Lalaki Nakapagtapos Ng Pag-aaral Sa Kabila Ng Kanyang Malalang Karamdaman