in

OMGOMG

Masayang Ibinahagi Ni Jak Roberto Na Nakabili Siya Ng Lote Upang Patayuan Ng Future House Dahil Noon Ay Palipat-lipat Lamang Sila Ng Tirahan

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang Kapuso actor na si Jak Roberto, ay natupad na ang isa sa kanyang mga pinangarap lang noon. Ito nga ay ang pagkakaroon niya ng sariling lupa na kanyang nabili.

Source: Jak Roberto IG

Sa latest Youtube vlog ni Jak, ay ipinasilip na niya ang kanyang panibagong achievement. Ito nga ay ang loteng kanyang nabili na nakatabi lang din ng bahay ng kanyang kapatid na si Sanya Lopez. Ayon pa sa aktor, hindi daw siya makapaniwalang nakabili na siya ng sarili niyang lupa dahil hindi naman daw niya naisip pa noon na bumili. “I feel so blessed guys kasi ni hindi ko talaga naisip before na makabili ako ng lupa”, aniya pa.

Source: Jak Roberto YouTube

Dagdag pa ni Jak, naging mahirap rin daw ang buhay nilang magkapatid noon, lalo pa nung namatay ang kanilang ama. Dahil nung mga panahon daw na iyon ay naranasan nilang magpalipat-lipat ng tirahan dahil wala silang permanenteng tirahan. Kaya ito ang naging motivation Jak sa kanyang sarili noon.
“Nung bata pa lang kami ni Sanya, talagang marami din kaming struggle kung saan kami makikitira before nung namatay yung Tatay naming”, sabi pa ni Jak.

Kaya naman sobrang saya ni Jak dahil natupad na ang dati lang niyang pinangarap na makabili ng sariling lupa para mapagtayuan ng kanyang magiging future house. Kwento pa ni Jak, ang broker niya ang nakahanap ng lupang kanyang nabili na nagkataon dun lang din sa tabi ng lugar ni Sanya. Ibinahagi din ni Jak, na bukod sa lupang kanyang pinangarap na bilhin ay iba pang siyang dahilan kung bakit ito ang kanyang piniling iinvest.

Source: Jak Roberto YouTube

“Bakit nga ba ako sa lote nag-invest? Kasi, alam naman nating lahat na mas maganda mag-invest sa lupa dahil tumataas ‘yung value. “Nag-invest ako sa lupa kasi matagal ko nang pangarap ‘yon.”Lahat naman tayo nangangarap na magkaroon ng property. “Isa ‘to sa mga nasa bucket list ko na someday uunahin ko talaga kumuha ng lupa and magbi-build ako ng sarili kong bahay. “Gusto ko ako talaga ‘yung magpapatayo,” sabi pa niya.

Source: Jak Roberto YouTube

Sabi pa ni Jak sa kanyang vlog, na ang ipinambili niya sa lote ay mula pa sa mga kinikita niya sa kanyang mga endorsement na natanggap niya sa gitna ng pandemic at sa mga na-monetize niyang vlogs sa YouTube.

“Sobrang thankful ako sa lahat ng nagta-trust sa ‘kin, especially sa mga naging endorsement ko during this time of pandemic. Blessings in disguise,” dagdag pa niya. “Nagkaroon po tayo ng endorsements and dun po nanggaling ‘yung ipon ko dito pati na rin siyempre sa mga na-monetize ko sa YouTube,” ika niya.

Source: Jak Roberto YouTube

Kaya dahil dito, sobrang nagpapasalamat si Jak sa mga natanggap niyang trabaho, gayundin sa kanyang mga Youtube subscribers. “Maraming-maraming salamat po sa walang sawang suporta n’yo sa ‘kin. Kasama po kayo sa lahat ng success ko,” pagpapayahag ng aktor.

Sa pagtatapos ng kanyang vlog, sinabi ni Jak na sana maging inspirasyon ang kanyang naging achievement lalo na sa mga taong hindi tumitigil na maabot ang kanilang mga pangarap.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Aktres na si Valerie Concepcion, Ibinahagi ang kaniyang pinagdaanan bilang Single Mom sa Edad na 16

Mainit Na Tinanggap Ng Fans Ang Pagbabalik Sa Showbiz Ni John Lloyd Cruz Sa Ilalim Ng Talent Agency Na Pagmamay-ari Ni Maja Salvador