in

OMGOMG

Mainit Na Tinanggap Ng Fans Ang Pagbabalik Sa Showbiz Ni John Lloyd Cruz Sa Ilalim Ng Talent Agency Na Pagmamay-ari Ni Maja Salvador

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Kilalang-kilala sa buong entertainment industry ang premyadong aktor na si John Lloyd Cruz. Sino nga ba naman ang hindi makakilala sa magaling at napaka-gwapong aktor na si John Lloyd.

Award-winning actor si John Lloyd Cruz sa kaniyang iba’t ibang teleserye at mga pelikula na talagang pumatok sa takilya. Kaya nga ng minsan niyang iwanan pansamantala ang showbiz marami ang nanghinayang, nadismaya at nalungkot. Pero ngayon masayang nagbabalik na ang aktor sa telebisyon. Trending ngayon ang aktor dahil sa marami ang manonood na sumabaybay sa kaniyang pagbabalik lalong lalo na ang kaniyang mga taga-suporta.

Nagbalik-loob na ang aktor sa kaniyang propesyon at handa nang harapin ang anumang hamon ng buhay. Kamakailan lamang sa live TV coverage ni Willie Revillame sa isang online shop na ginanap sa Smart Araneta Coliseum na inere sa GMA-7 noong June 6, 2021 ay madamdamin na humarap ang aktor sa kaniyang mga manonood. Saad pa ng aktor, “Excited to be back!”

Sa tulong ni Willie Revillame bilang host/producer ng show at siya ang nagbigay ng pagbabalik ni John Lloyd sa television appearance niya sa Kapuso Network. Binigyan ni Willie ang aktor ng magandang exposure na bakas sa mukha at mga kilos ang paninibago sa muling paglabas niya sa telebisyon makalipas ang halos apat na taon. May naging sentimental nang kanta si John Lloyd ito ang “Yakap,” ang awiting pinasikat noong 1979 ng Spanish singer na si Junior, dahil bagay na bagay sa heartwhelming na pagbabalik ng aktor. Mainit ang pagsalubong ni Willie kay John Lloyd na umaming nanginginig siya sa kaniyang muling paglabas sa telebisyon at malaki ang pasasalamat niya rito. Sa ilalim ng Crown Artist Management kung saan President at CEO si Maja Salvador dito.

Naging madamdamin ang mga sumunod na eksena ng muling pagtapak ni John Lloyd sa telebisyon,dahil kapansin-pansin na pinipigilan ni John Lloyd na mapaluha habang pinapakinggan ang mga pahayag ni Willie tungkol sa kaniyang pasiya na balikan ang propesyon na pansamantala niyang tinalikuran. Sa huling tanong sa kaniya ni Willie kung handa na ba siyang umibig muli, agarang sinagot ng aktor ng, “Handang-handa na!” Sa kaniyang panandaliang paglisan noon marami naman siyang natutunan ngayon.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Masayang Ibinahagi Ni Jak Roberto Na Nakabili Siya Ng Lote Upang Patayuan Ng Future House Dahil Noon Ay Palipat-lipat Lamang Sila Ng Tirahan

Lady Pilot Na Agaw Pansin Ang Taglay Na Ganda, Trending Sa Social Media Ngayon