in

Aktres na si Valerie Concepcion, Ibinahagi ang kaniyang pinagdaanan bilang Single Mom sa Edad na 16

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa ating pagdadalaga at pagbibinata may bagay tayong maaga nating nararanasan. Isa na rito ang pagkakaroon ng responsibilidad sa napakabatang edad, ngunit ito ay ang pagiging isang magulang. Katulad na lamang ng aktres na si Valerie Concepcion kung saan kaniyang ibinahagi ang pagiging isang single mother sa edad na 16.

Source: Google

Dala ng kap*sukan maagang naging magulang si Valerie, siya ay naging isang batang ina. Maaga siyang namulat sa responsibilidad ng pagiging isang magulang. Sa murang edad na 16 taong gulang, natutunan ni Valerie ang magsakripisyo para sa kinabukasan ng kaniyang anak. Sa isang panayam sa aktres ng TV show na “Magandang Buhay”, ibinahagi niya ang kaniyang naging karanasan bilang isang batang ina.

Source: Google

Ayon sa Valerie, nang magbuntis siya sa edad na 16 hindi pumayag ang kaniyang mga magulang na magpakasal sila ng kaniyang dating kasintahan dahil nga mga menor de edad pa lang sila. Sabi pa umano ng kaniyang mga magulang na aantayin na tumuntong sa edad na 18 taong gulang ang kaniyang kasintahan bago sila ipakasal. Naranasan pa daw ni Valerie na ikulong sa loob ng bahay bagkus natatakot ang kaniyang mga magulang na baka raw ay magtanan siya. Ang mas masakit pa daw ito ay yung nag-antay siya ng matagal ngunit hindi natupad ang kanilang usapan. Kaya simula noon mag-isa na lamang na itinaguyod ni Valerie ang kaniyang anak na si Heather Fiona sa tulong na rin ng suporta ng kaniyang pamilya. Ang kaniyang anak ang naging lakas niya sa bawat araw ng kaniyang buhay.

Source: Google

Hanggang sa pinasok ni Valerie ang showbiz para mabuhay niya ang kaniyang anak at maibigay ang lahat ng mga pangangailangan nito. Unti-unti namang nakabangon ang aktres hanggang sa natagpuan niya ang kaniyang non-showbiz boyfriend noon na kaniya ng asawa ngayon na si Francis Sunga. Nagpapasalamat si Valerie sa pagmamahal at pagtanggap sa kaniya ng buong-buo ng kaniyang asawa sa kabila ng kaniyang nakaraan.

Source: Google

Ipinagpatuloy rin ni Valerie ang kaniyang pag-aaral, siya ay nakapagtapos sa kursong Bachelor of Arts in Psychology. Masaya nang namumuhay ngayon ang aktres kasama ang kaniyang asawa at ang kaniyang anak na dalaga na.

Source: Google / Niceprintphoto

Naging ina man siya sa hindi inaasahang pagkakataon hindi naman niya tinalikuran ang kaniyang responsibilidad. Hinaharap niya itong may lakas ng loob upang mabigyan niya ng magandang kinabukasan ang kaniyang anak. Isang inspirasyon ang kwentong ito ni Valerie para sa mga kabataan na maagang nagiging ina na huwag sumuko sa buhay, matutong bumangon sa pagkakadarapaat higit sa lahat harapin ang bagong buhay.

Source: Google/ Niceprintphoto

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang Batang Nag-aaral Sa Overpass Dahil Walang Ilaw Sa Kanila Habang Nagbebenta Ng Sampaguita Kinaantigan!

Masayang Ibinahagi Ni Jak Roberto Na Nakabili Siya Ng Lote Upang Patayuan Ng Future House Dahil Noon Ay Palipat-lipat Lamang Sila Ng Tirahan