in

OMGOMG CuteCute

Alamin Ang Buhay Ngayon Ni Diether Ocampo Matapos Niyang Iwanan Ang Showbiz

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Binansagang heartthrob ng bayan si Diether Pascual Ocampo noong nasa showbiz ito. Pinanganak noong July 19, 1973 ang isa sa gwapong artista noong 90’s. Bagamat hindi na nakikita sa telebisyon ay mapapansin na napaka-gwapo at mapanatili nito ang makisig na pangangatawan.

Source: Diether Ocampo IG

Lumitaw sa maraming pelikula at teleserye si Diether Ocampo at napabilang na rin sa maraming nominations noong nasa showbiz pa ito. Ngunit nasaan na nga ba si Diether at ano na nga kaya ang ginagawa nito matapos lisan ang karera sa showbiz?

Source: Diether Ocampo IG

Kabilang si Diether sa mga artista ng Star Magic na pinapangunahan pa noon ni Johnny Manahan. Maliban sa pagiging actor ay isa rin siyang modelo at singer. Ang karera niya sa showbiz ang nagbigay sa kanya ng magandang buhay.

Source: Diether Ocampo IG

Napabilang siya sa maraming teleserye at ang ilan sa tumatak sa puso ng mga manonood ay ang role niya sa ‘Sana’y Wala Nang Wakas’, Mula sa Puso, Jologs, Dahil Mahal na Mahal Kita, Apoy Sa Dagat, Guns and Roses, Sabel, Ikaw Ang Lahat sa Akin, Sa ‘Yo Lamang, Bcuz Of You, La Vida Rosa, Soltera, Recuerdo De Amor, Only You, Margarita, Iisa Pa Lamang, Lobo, Rubi, and Princess Sarah. Noong 2016 ay napapanood pa siya sa isang teleserye sa TV5, ang “BAkit Manipis ang Ulap” kasama ang mga batikang actor na sina Cesar Montano at Claudine Barreto.

Source: Diether Ocampo IG

Naipundar niya ang isang foundation na may layunin na tulungan ang mga bata, ito ay ang K.I.D.S (Kabataan Inyong Dapat Suportahan) foundation na itinatag noong 2006. Napabalitang nagkaroon umano ng anak si Diether at ito ay si Dream, ngunit hindi naibunyag kung sino ang ina nito, maaaring ito ay non-showbiz na dilag.

Source: Diether Ocampo IG

Hindi pinapabayaan ni Diether ang kanyang charity foundation at ang actor ay napabalitang nasa Estados Unidos. Doon ay abala siya bilang Videographer, Equestrian, Golf Player at Shooting. Isa rin siyang Cameraman umano sa nasabing bansa.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Kinagiliwan At Pumatok Sa Netizens Ang Sinigang Flavor Ice Candy Na Ito

Isang Batang Nag-aaral Sa Overpass Dahil Walang Ilaw Sa Kanila Habang Nagbebenta Ng Sampaguita Kinaantigan!