in

Isang Batang Nag-aaral Sa Overpass Dahil Walang Ilaw Sa Kanila Habang Nagbebenta Ng Sampaguita Kinaantigan!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Isa sa mga importateng bagay na dapat pagtuunan ng pansin sa lipunan ay ang edukasyon dahil ito ang susi para sa mga kabataan upang mabigyan sila ng pag-asang makaahon sa hirap at matupad ang kanilang mga pinapangarap. Ngunit dahil sa kahirapan at kakapusan sa financial ang ilan ay nawawalan ng oportunidad na makapag-aral at ang ilan naman ay pinipilit na pagsumikapan upang makapag-aral lamang tulad ng nakita ni Arej Real na batang nagsusumikap mag-aral sa gitna ng overpass na kumokonekta sa SM Mega Mall at St. Francis Square.

Source: Arej YouTube

Naantig at napabilib si Arej sa batang ito dahil makikita sa kaniya ang pagiging pursigido at hindi man lang niya iniinda ang mahirap, madilim at magulong lugar na iyon. Nakuhaan ng video ni Arej ang bata habang siya’y nag fifillm para sa kaniyang YouTube channel, umagaw ng pansin niya ang bata at doon na siya nagkainterest na lapitan ang bata at kausapin.

Source: Arej YouTube

Napag-alaman niyang si Jandel ang batang iyon ay nasa ikalimang baitang na at nang tanungin ni Arej kung bakit narito ito sa lugar na iyon nag-aaral ay ang sagot ng bata ay dahil wala raw kuryente sa kanilang bahay dahil sa ilalim lang sila ng tunnel nakatira. Naisipan ng bata na sa overpass gumawa ng kaniyang mga aralin kung saan may ilaw at habang nag-aaral ito sa gitna ng overpass ay may mga sampaguita rin itong itinitinda na kaniya lang inilalagay sa kaniyang harapan.

Source: Arej YouTube

Nasaksihan rin ni Arej ang isang foreigner na nag abot ng pera sa bata, sa lahat ng narinig na kwento ng bata kay Arej ay naawa ito at binilhan niya ito ng makakain sa isang fastfood restaurant at kitang-kita ang tuwa sa mga mata ng bata nang iabot ni Arej ang pagkain. Dahil sa nasaksihan ni Arej sa sitwasyon ng bata naisip niya na hindi dapat tine-take for granted ang pag-aaral dahil maraming kabataan ang naghihirap at nagsusumikap upang makapag-aral lamang at ilan ay hindi pa nabibigyanng pagkakataon dahil sa hirap ng buhay.

Source: Arej YouTube

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Alamin Ang Buhay Ngayon Ni Diether Ocampo Matapos Niyang Iwanan Ang Showbiz

Aktres na si Valerie Concepcion, Ibinahagi ang kaniyang pinagdaanan bilang Single Mom sa Edad na 16