Mahirapan man ang daan patungong tagumpay, ay hindi sumuko ang isang dalagang may kapansanan. Bagamat hindi nakakakita ay gumraduate ito ng Suma Cum Laude sa kanilang paaralan.

Walang hahadlang sa ating mga pangarap kundi tayo lamang. May ilan na nauunahan ng takot at kaba, at ang ilan naman ay sumusuko sa pagsubok. Ngunit para kay Minnie Aveline Juan ay malinaw na malinaw sa kanya ang daan upang maabot ang tagumpay.

Marami ang humanga at nagsilbi pang inspirasyon si Minnie sa kanyang mga kamag-aral sa kanilang graduation nang maging Suma Cum Laude ito. Patunay lamang na walang criteria ang success at dapat ay patuloy ang pagsusumikap para maabot ang mga ito. Isa sa mga humahanga kay Minni ay ang kaklase nitong si Amelia Vicente at nagpahayag na hanga umano ito sa kabigan na hindi sumusuko sa anong pagsubok.

Kung minsan sa buhay ay binibigyan tayo ng iba’t ibang pagsubok ngunit ang mga ito ay paraan lamang upang hasain tayo na maging makinang tulad ng pag hasa sa ginto. May iilan na nagworking student upang malampasan ang kahirapan at makapagtapos ng pagaaral, may iilan naman na hindi kapiling ang mga magulang ngunit kinaya ang pagsubok sa buhay. Sa panig naman ni Minni, kahit na bulag ay kinaya nitong maabot ang kanyang pinapangarap.

Sa Virgen Milagrosa University Foundation sa San Carlos City nakapagtapos ng pagaaral si Minnie at isang karangalan ang magkaroon ng alumni na tulad niya. Apat na daang estudyante ang kasabay ni Minni sa kanyang graduation at mapalad ang lahat ng ito na makapagtapos ng kanilang pag-aaral.

Para naman sa pangarap ni Minnie ay binabalak nito umano maging isang guro para sa mga Persons With Disability o PWD na tulad niya. Nais nitong makapagturo matapos nitong kumuha ng kaniyang Master’s Degree. Dahil rito ay tiyak na magiging mabuting guro si Minni, hindi lamang sa akademya kundi magsisilbing inspirasyon sa mga kababayan natin na may kapansanan.
Comments
Loading…