in ,

LoveLove CuteCute

Vice Ganda Napagtapos Ng Pag-aaral Ang Dalawa Niyang Kasambahay

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang pagiging mautulungin at maawain ay talaga namang nasa pag-uugali na ng mga Pilipino, hindi maaalis sa mga pinoy ang ganoong ugali, kahit na ang ilan ay kapos rin sa buhay pinipili parin nilang tumulong ng kahit na walang kapalit. Sa panahon ngayon may kinakaharap na p@ndemya ang mundo, mas nakilala ang mga Pilipino sa pagiging matulungin, maraming kwento ng pagtutulungan ang lumabas at nagviral na talagang nakakatuwang isipin bilang isang Pilipino.

Source: Facebook

Ang kwento naman ng kabutihang pagtulong ni Vice Ganda sa kaniyang mga kasambahay ay talagang nakakataba ng puso dahil sa tulong niyang binigay ay nakapagtapos ng kolehiyo ang dalawa niyang kasambahay. Isang comedian/host si Vice Ganda sa isang noontime show na “It’s Showtime” at talagang marami ang napapasaya nito at marami rin ang kaniyang tagahanga, hindi lang sa pagpapatawa magaling si Vice Ganda magaling rin itong kumanta at umaarangkada rin siya sa pag arte.

Source: Facebook

Nanggaling rin siya sa mahirap na pamilya kaya hindi na mawala sa kaniya ang tumulong at magmalasakit sa kapwa, ang ilan sa mga lubos na natulungan niya ay ang kaniyang dalawang kasambahay na sina Emelyn Freo at Jacquelyn Guerrero, silang dalawa ang tinatawag niyang Vice Ganda Angels, taong 2012 ng sila’y mamasukan bilang kasambahay at balak nilang mag aral pagkatapos nilang maging kasambahay ngunit nang malaman ni Vice Ganda ang plano ng dalawa ay si Vice Ganda na mismo ang nag alok na siyang magpapa-aral sa dalawa upang makapagtapos ang mga ito at matupad ang kanilang mga pangarap para sa kanilang mga kinabukasan.

Source: Facebook

Taong 2018 nang matapos nila ang kanilang pag-aaral at dahil sa may graduation ball ang mga ito muli silang tinulungan ni Vice Ganda, sila’y binigyan ng magandang make-over upang mas maenjoy nila ang kanilang graduation ball. At sa lahat ng ginawa at naitulong ni Vice sa kanila ito ang kanilang naging pahayag bilang pasasalamat:

“Hi ate Vice, thank you ito na oh pataapos na kami. Thank you sa lahat, hindi naming inexpect ‘to, ang ganda ng pa gown mo.”

Source: Facebook

Isang magandang asal ang pagtulong dahil sa bagay na ito maraming buhay ang pwedeng mabago, ito’y nagbibigay ng pag-asa sa iilang nanghihina. Nawa’y maraming tulad pa ni Vice Ganda ang tumulong sa mga nangangailangan, “share your blessings” ika nga nila.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Nakakaantig Ng Puso Ang Aso Na Ito Dahil Tinulungan Nitong Itulak Ang Nakawheelchair Niyang Amo

Nagviral Ang Bagong Kasal Na Ito Na Gumamit Ng Bridal Kalabaw, Netizens Natuwa!