in

Nagviral Ang Bagong Kasal Na Ito Na Gumamit Ng Bridal Kalabaw, Netizens Natuwa!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Imbes na bridal car ang gamitin ng bagong kasal na sina Wenefredo Matillano at Mary Ann Amata-Matillano ay naging bridal kalabaw at dahil dito ay nagviral ang kanilang mga litrato. Nasa kultura o tradisyon na ng mga Pilipino na pagkatapos ng mesa ng kasal ay sasakay sa tinatawag na bridal car ang bagong kasal papunta sa kanilang reception. Ngunit ayon sa kasal nina Mantillano kaya karosa ang kanilag ginamit sa araw na iyon ay dahil napakaputik ang daan papunta sa kanilang recption dahil sa malakas na ulan.

Source: Charlene FB

Ang karusa at kalabaw na kanilang ginamit ay pagmamay-ari ng ama ni Wenefredo na kanilang ginagamit para sa kanilang palayan. Tila naging praktikal ang bagong kasal dahil imbes na ipilit na bridal car ang sasakyan sa ganoong daan ay mas pinili nilang karusa na lamang upang mas madali at hindi pa malaking abala.

Source: Charlene FB

Sa mga larawang ipinost ng kaibigan nilang si Charlene ay maraming natuwa at bumilib. Ito ang naging pahayag ni Charlene sa kaniyang pinost na mga larawan ng bagong kasal, “Ito ‘yong kasal na sobrang simple na nagmukhang grande sa paningin ng iba, kasi ramdam mo yung pagmamahal ng bawat isa, ‘yong tipong mapapaluha ka sa sobrang saya at ligaya. In behalf of Wenefredo Matillano Jr. at Mary Ann Amata-Matillano, taos puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng tumulong. Kung hindi dahil sa inyo hindi magiging successful ang araw na ito.”

Source: Charlene FB

Ayon sa kanila isang childhood sweetheart raw ang dalawa, first love raw ni Welfredo si Mary Ann kahit na may naging ibang nobya ito noon. Para raw kay Welfredo isang napakasayang pangyayari dahil itinadhana siya sa babaeng talagang gusto niyang makasama habang buhay.

Source: Charlene FB

Umani ng maraming magagandang komento ang larawan dahil sa talaga naman itong nakaka inspired at nakakatuwa. Hindi naging sukatan kung anong meron at wala dahil sa kanilang pagmamahal sa isa’t isa ay sapat na.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Vice Ganda Napagtapos Ng Pag-aaral Ang Dalawa Niyang Kasambahay

Walang Hadlang Sa Pangarap Ng Isang Bulag Dahil Nakapagtapos Ito Bilang Suma Cum Laude