in

“Time Heals Everything” Ama Ni Heart Evangelista Nawala Na Ang Tampo At Nanghinayang Na Hindi Dumalo Sa Kasal Ng Anak At Ni Chiz Escudero

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Nang magsimulang lumutang at nalaman ng publiko ang relasyon nil ani Chiz noon, naging tutol agad ang magulang ni Heart dito maging ang ilang mga netizens. At hindi maiwasan ang mga pambabatikos sa kanila.

Source: Heart Evangelista YouTube

Gayunpaman, hindi ito naging hadlang upang ang kanilang relasyon ay mabuwag, hindi nga nagtagal nagdesisyon silang dalawa na magpakasal noong 2015. Kahit na tutol ang mga magulang ni Heart noon.

Hindi nakadalo ang ama ni Heart sa naturang kasal na ginanap sa Balesin Island, dahil hindi nga boto at tutol ang kanyang mga magulang, naging maayos naman ang kasal.

Source: Heart Evangelista YouTube

Makalipas nga ang ilang taon, naging maayos naman ang kanilang pagsasama, kuntento at masaya naman silang dalawa sa isa’t-isa. Kahit na laging busy sa trabaho si Chiz hindi naman niya napapabayaan ang pagiging mister kay Heart.

Kung mayroong pagkakataon binibisita ni Heart si Chiz sa Sorsogon, at aliw na aliw naman si Heart sa pamamasyal sa naturang lugar. Kamakailan lang, nang muling bumisita si Heart sa Sorsogon nagkita sila ng kanyang ama at labis na natuwa si Heart dahil matagal na raw niyang hindi nakakasama ito.

Source: Heart Evangelista YouTube

Abala umano ang kanyang ama sa pagpapatayo ng bahay niya sa Sorsogon at dalawang buwan na raw itong namamalagi doon. Nagustuhan din ng kanyang ama na magpatayo doon dahil mababa ang kaso dito sa panahon ng pandemya. Masarap at sariwang mga pagkain, presko ang panahon at mabubuting komunidad. Sa isang Youtube video ni Heart, mapapansin na tila maayos na ang relasyon ng kanyang asawa at ng kanyang ama at mukhang komportable na ito sa isa’t isa. Hindi rin pinalagpas ni Heart na tanungin ang ama kung bakit hindi ito dumalo sa kasal nila ng kanyang asawa.

Source: Heart Evangelista YouTube

“Bakit hindi ka pumunta sa wedding?” tanong ni Heart sa kaniyang Ama.
“Sayang! naging bati na sana kami noon pa,” sagot naman ni Daddy Reynaldo.

Source: Heart Evangelista YouTube

Malaki raw ang pagsisisi ng ama ni Heart sa hindi pagdalo sa kasal ng kanyang bunsong anak. Ito raw ang isa sa mga pagsisisihan niya sa kanyang buhay. Dapat matagal na raw sila naging close ni Chiz kung hindi niya pinairal ang kanyang pagtatampo noon.

Source: Heart Evangelista YouTube


Kahit na ganun man ang mga nangyari noon masaya parin si Heart dahil sa ngayon ay nagkakaroon na ng magandang ugnayan ang ama at asawa niya. Ika nga nila “time heals everything” sa kabila ng mga balakid na nangyayari noon naging maayos naman at naging maganda ang relasyon ng kaniyang pamilya.

Source: Heart Evangelista YouTube

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Silipin Dito Ang Napakalaki At Napakagandang Beach Resort Na Pagmamay-ari Ng Pamilyang Pacquiao

Kilalanin Dito Ang Isang Beauty Queen Na Napaluhod Dahil Sa Labis Na Pasasalamat Sa Kaniyang Inang Isang Garbage Collector