in

LoveLove

Nakakaantig Ng Puso Ang Aso Na Ito Dahil Tinulungan Nitong Itulak Ang Nakawheelchair Niyang Amo

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Dogs are man’s bestfriend ika nga, ngunit para sa isang kababayan natin isa ito ang nagsilbing mga paa sa kanyang lakbayin sa buhay. Namataang tulak-tulak ng isang aso ang wheelchair ng kanyang amo at hindi iniiwan ang tabi nito.

Marami sa mga Pilipino ay sadyang mahilig mag-alaga ng aso, kahit na ano pa mang lahi nito. Minsan ay tinatawag natin itong si ‘bantay’ dahil matapang nilang inaatake ang sinumang nagtatangkang pumasok sa bahay natin o kaya naman sa gabi ay matalas nilang pinapakiramdaman ang paligid sa anumang panganib na paparating. Ang ilan naman sa atin ay nailigtas ang buhay dahil sa mga alagang aso natin. Ang ilan ay sadyang mahilig sa aso kaya naman ay masayang nag-aalaga ng mga ito.

Source: Krizzia Aurelio

Sa kabilang banda, sa isa ng larawan na ibinahagi ng netizen na si Krizzia Aurelio, ay pinakita nito ang isang aso na tulak-tulak sa gitna ng kalsada ang amo na may kapansanan at nasa wheelchair. Bagamat tirik na tirik ang araw ay hindi alintana ng aso ang pagod at hirap sa pagtutulak. Marami rin ang nakatingin at bumilib sa ginagawa ng aso para sa kanyang amo.

Maraming netizen ang nagreact sa social media at nagpakita ng kanilang reaksyon sa larawan.

It really melt my heart [heart eyes emoji] [heart heart emoji],”

“Kudos to this dog [dog emoji] [clap emoji],”

Source: Krizzia Aurelio

Talaga namang walang pinipiling amo ang mga aso, at tunay na loyal at mapagmalasakit sa mga amo nila. May ilang mga aso ang nagsisilbing mata sa bulag nilang amo, o kaya naman ay nasa serybisyong pampubliko. Mga asong inaamoy kung may b*mba o dr*ga ang isang bag, at may mga aso namang sadyang malambing upang maibsan ang lungkot na nadarama ng kanilang mga amo. Mapa kahit anong lahi ng aso ay talagang mapagkakatiwalaan at masasandalan natin sa oras ng pangangailangan.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Kilalanin Dito Ang Isang Beauty Queen Na Napaluhod Dahil Sa Labis Na Pasasalamat Sa Kaniyang Inang Isang Garbage Collector

Vice Ganda Napagtapos Ng Pag-aaral Ang Dalawa Niyang Kasambahay