in ,

LoveLove CryCry

Kilalanin Dito Ang Isang Beauty Queen Na Napaluhod Dahil Sa Labis Na Pasasalamat Sa Kaniyang Inang Isang Garbage Collector

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Bilang isang magulang, lahat ay ginagawa natin upang masuportahan ang bawat pangarap ng ating mga anak. Nagsisikap tayo para maibigay sa ating mga anak ang kanilang mga pangangailangan. Lahat ng sakripisyo ay ginagawa ng isang magulang dahil sa pagmamahal sa kanilang mga anak. Kaya narito ang isang kwento ng isang anak na labis na nagpapasalamat sa kaniyang ina.

Source: Khanitta Phasaeng

Isang babae ang naging isang Beauty Queen na kinilalang si Khanitta Phasaeng 17 taong gulang. Hindi maitatangi ni Khanitta na siya ay isang anak ng garbage collector dahil sa hirap ng kanilang buhay iyon lamang ang naging hanapbuhay ng kaniyang ina. Ngunit, kahit na isang garbage collector ang kaniyang ina ay ipinamaglalaki niya ito. Dahil sa naging pagsasakripisyo ng kaniyang ina upang masuportahan lamang ang kaniyang pangarap na maging isang beauty queen.

Makikita sa larawang ibinahagi na napaluhod si Khanitta bilang pagtanaw niya ng respeto at pasasalamat sa kaniyang ina. Dahil kung hindi dahil sa lahat ng sakripisyo ng kaniyang ina wala siya sa kinatatayuan niya ngayon. Kaya ipinagmamalaki niya sa buong mundo ang kaniyang ina. Ginagawa ni Khanitta ang abot ng kaniyang makakaya na masuklian ang mga paghihirap ng kaniyang ina. Ayon pa sa kaniya, kahit kailanman ay hindi niya ikinahiya ang trabaho ng kaniyang ina bagkus masaya pa siyang ipagmalaki ito dahil hindi niya maaabot ang kaniyang tagumpay kung hindi dahil sa kaniyang pinakamamahal na ina.

Source: Khanitta Phasaeng

Kitang-kita naman sa larawan ni Khanitta ang kaniyang kagandahan, kahit sa simple nilang pamumuhay hindi niya ito ikinahihiya. Ang kaniyang naabot na pangarap ang kaniyang taning regalo para sa kaniyang ina. Kaya labis niya ring ipinaparamdam sa kaniyang ina kung gaano niya kamahal at pinasasalamatan ng buong puso. Ang kwento ni Khanitta ay magandang halimbawa kung paano pinahahalagahan ang bawat sakripisyo ng ating mga ina’t ama.

Source: Khanitta Phasaeng

Nawa’y kapulutan ng aral ang kwentong ito, bilang handog na rin sa pagdiriwang ng “Mother’s Day”. Habang sila ay nabubuhay, ating iparamdam ang pasasalamat at pagmamahal sa kanila upang maibasan ang kanilang hirap na nararamdam upang maitaguyod lang tayong mga anak.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

“Time Heals Everything” Ama Ni Heart Evangelista Nawala Na Ang Tampo At Nanghinayang Na Hindi Dumalo Sa Kasal Ng Anak At Ni Chiz Escudero

Nakakaantig Ng Puso Ang Aso Na Ito Dahil Tinulungan Nitong Itulak Ang Nakawheelchair Niyang Amo