in

OMGOMG LoveLove

TV actress na si Sam Pinto, Ibinahagi Ang Kaniyang Napakagandang Mga Maternity Pictures Sa SocMed

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Aktres na si Sam Pinto kamakailan lamang ay ikinasal sa kaniyang asawang si Anthony Semerad. Kasunod nito ang pagbubuntis ng aktres ng kanilang unang anak noon lamang May 5, 2021, nang inanunsiyo ng mag-asawa ang kanilang magiging anak.

Source: Sam Pinto IG

Ipinakita ni Sam at Anthony ang sonogram ng kanilang baby at dito sinabi nila kung gaano sila ka-excited. Sobrang saya at bless nilang mag-asawa na nabibiyaan agad sila ng anak kung saan dito pa lamang raw magsisimula ang kanilang ‘greatest adventure’ bilang isang magulang. Ayon pa sa post ni Anthony sa kaniyang Instagram, “I’m gonna be a Dad! Excited for this next chapter of our lives @sampinto.”

Source: Anthony Semerad IG

Sa Instagram post naman ni Sam, ibinahagi niya ang kaniyang best maternity ootd this summer. Napaka-blooming at napakaganda ng aktres sa kaniyang ‘maternity photoshoot’, kitang kita sa kaniyang mukha ang kasiyahan at excitement sa paglabas ng kaniyang munting anghel. Sa larawan na ibinahagi ni Sam, talaga nga namang kahit sino ay mapapa-wow sa napakagandang buntis na ito. Bagay na bagay sa aktres kaniyang outfit of the day na mala-summer dress. Proud na proud si Sam na ipagmalaki ang kaniyang baby bump.

Source: Sam Pinto IG
Source: Sam Pinto IG

Sa naging episode ng youtube channel ni Sam, ini-reveal nila ang magiging name ng kanilang baby girl na si ‘Mia Aya’. Ayon sa mag-asawa, ang pangalan ng kanilang anak ay galing sa pangalan ng Queen of Ocean na si Mia, ito ang kanilang ipinangalan dahil sobrang gustong-gusto ng mag-asawa ang beach hopping na related sa Ocean. Dito ibinahagi rin ng mag-asawa ang naging pregnancy journey ni Sam nasa 23 weeks na ngayon ang pagbubuntis ni Sam.

Source: Sam Pinto IG
Source: Sam Pinto IG

Labis ang kasiyahan ngayon ng mag-asawa na magkakaroon na sila ng anak. Lalo na ang aktres dahil mafe-feel na niya ang pagiging isang mommy. Focus muna si Sam sa pagiging hands-on mom pagkatapos niyang manganak upang masulit niya ang bonding nila ng kaniyang anak.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Nakakahanga ang isang nanay na naging tricycle driver ang hanapbuhay upang mapag-aral lamang ang kaniyang mga anak

Silipin Dito Ang Napakalaki At Napakagandang Beach Resort Na Pagmamay-ari Ng Pamilyang Pacquiao