in ,

Silipin Dito Ang Napakalaki At Napakagandang Beach Resort Na Pagmamay-ari Ng Pamilyang Pacquiao

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Isa sa mga katangian ng mga Pilipino ay ang pagsuporta sa mga paborito nilang artista o kilalang personalities sa bansa. Kaya naman ay lubos na minamahal ang mga Filipino Fans ng kanilang mga iniidolo at nagbibigay ng mga sneak peek sa mga kaganapan sa kanilang buhay.

Source: Jinkee Pacquiao YouTube
Source: Jinkee Pacquiao YouTube

Isa na rito ay ang asawa ng pambansang kamao na si Jinkee Pacquiao. Ang pamilyang Pacquiao ay nagmula sa simpleng pamumuhay ngunit kasama ang determinasyon, sipag at pagsusumikap ay nagawa nitong umangat sa buhay. Ngayon ay isa sila sa mga nagsisilbing inspirasyon ng marami sa ating mga kababayan.

Source: Jinkee Pacquiao YouTube
Source: Jinkee Pacquiao YouTube

Naiahon ni Manny Pacquiao ang kanyang pamilya mula sa kahirapan at nabigyan ito ng mas maginhawang pamumuhay. Isa sa kanilang naipundar ay ang beach resort na matatagpuan sa Gensan. Ipinakita ni Jinkee ang loob ng kanilang resort at talaga namang napakaganda ng landscape at pagkakabuo rito.

Source: Jinkee Pacquiao YouTube

Inilibot ni Jinkee ang mga manonood sa kanilang beach resort na inuuwian ng kanilang Pamilya tuwing bakasyon. Dito ay nagbobonding ang buong pamilya at nagrerelax mula sa buhay sa syudad. Ipinakita nito ang magagandang halaman nito sa loob at ang interiors ng bahay sa resort.

Source: Jinkee Pacquiao YouTube

Ibinahagi pa ni Jinkee na ito ay pagtugon lamang nito sa mga nagrequest na mga tagahanga niya na makita umano ang loob ng kanilang resort. Mayroong swimming pool na may magandang view at dalawa umano ang villa sa loob nito. Isa para sa pamilyang pacquiao at isa para sa pamilyang Jamora. Dito umano ginugugol ng pamilya ang kanilang oras ngayong panahon ng pandemya at ginagamit ang panahon upang makabonding ang pamilya.

Source: Jinkee Pacquiao YouTube

Ipinakita rin ni Jinkee ang kanilang floating Villa kung saan ay napapalibutan ito ng karagatan ang preskong hangin. Ipinakita rin nito ang mga kwarto tulad ng master’s bedroom na may magandang interiors at modern na modern ang disenyo. Dito umano ang paboritong lugar ni Jinkee na magbasa ng bibliya. Ipinakita rin ni Jinkee ang kanilang gazebo at magarbong hall kung saan pwede silang magdiwang ng events.

Source: Jinkee Pacquiao YouTube

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

TV actress na si Sam Pinto, Ibinahagi Ang Kaniyang Napakagandang Mga Maternity Pictures Sa SocMed

“Time Heals Everything” Ama Ni Heart Evangelista Nawala Na Ang Tampo At Nanghinayang Na Hindi Dumalo Sa Kasal Ng Anak At Ni Chiz Escudero