in

Ruffa Gutierrez Proud at Masayang Ibinahagi Ang Pagtatapos Ng Kaniyang Anak Na Si Lorin sa High School

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang edukasyon ay isa sa mga sandata ng kinabukasan, ito ang nagiging susi upang magkaroon upang maabot ng kahit sinuman ang kanilang mga pangarap. Sa industriya ng showbiz, karamihan sa kanila ay hindi na nagiging priority ang pag-aaral dahil sa sobrang busy ng kanilang mga schedule. Ngunit may iilan din naman na kahit sobrang busy sila sa mga projects ay nagagawa pa rin nilang maisingit ang kanilang pag-aaral.

Source: Lorin IG

Sa IG post ng aktres kamakailan lamang, ay kaniyang ibinahagi ang pagtatapos ng kaniyang anak na si Lorin sa high school. Lumipad patungong Los Angeles si Lorin upang mag-attend ng kaniyang graduation ngayong June. Sa caption ng post ni Ruffa, “My baby girl @loringabriella is growing up, graduating in high school in June will fly the nest to follow her dreams real soon”.

Source: Ruffa Gutierrez IG

Dagdag pa ng aktres, silang dalawa ng kaniyang anak na si Venice ay namimis si Lorin, “I will save the hugs, kisses and mushy messages for us in private. Always know that @venicebektas, the family & I are proud of you and will hold your hand as you move forward to the next chapter in life. Soar high! Follow your dreams but never forget…God first”.

Source: Ruffa Gutierrez IG

Ang kauna-unahang paglipad ni Lorin patungong Los Angeles ay noong siya 15 taong gulang taong 2019, nang siya ay kumuha nung pre-college sa University of Los Angeles sa Economics. Ayon pa kay Lorin, medyo nag-aalala raw ang kaniyang mommy dahil magiging malayo na siya sa kanila. Kahit na kabado ang kaniyang ina, todo pa rin naman ang pagsuporta nito sa kaniya kahit na sa malayo siya mag-aaral. Para sa kinabukasan ng kaniyang anak ay naiintindihan ito ni Ruffa.

Source: Ruffa Gutierrez IG

Nagbahagi naman si Ruffa ng isang solo pic ni Lorin habang suot nito ang kaniyang navy blue graduation toga na may clip ng kaniyang tassel. “As my time at The British School Manila comes to an end, I look back and reflect on the past 10 years I have spent here. I have made endless lifelong friends and memories that I will treasure for the rest of my life while attaining an amazing education,” saad pa ni Lorin sa IG post ng kaniyang ina.

Source: Ruffa Gutierrez IG

Dagdag pa niya, “I can’t wait to see where my future takes me and I will never forget my time spent in BSM.” Ang pananatili ni Lorin sa Los Angeles ay upang kumuha ng kursong Marketing sa kolehiyo, at balak niyang ituloy ang kaniyang pag-aaral ng pag-aabogasya.

Sa edad na 18 taong gulang kabilang na ang batang aktres sa mga bagong talento sa ilalim ng Viva Artists Agency noong lamang Mayo.
.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Jinkee Pacquaio, Certified Plantita Queen dahil sa mga naggagandahan nitong mga koleksiyon ng kaniyang mga halaman

Nakakahanga ang isang nanay na naging tricycle driver ang hanapbuhay upang mapag-aral lamang ang kaniyang mga anak