in

Nakakahanga ang isang nanay na naging tricycle driver ang hanapbuhay upang mapag-aral lamang ang kaniyang mga anak

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Dahil sa kahirapan kahit anong uri ng hanapbuhay na lang ang ginagawa ng isang ina upang matustusan ang lahat na pangangailangan ng mga anak. Kahit anong uri ng hanapbuhay na panglalaki ay pinapasok na rin ng mga kababaihan ngayon upang kumita lamang ng pera para sa kanilang mga pamilya. Ito ang pinatunayan ni Lelibeth Javillo, kung saan pati ang pagiging isang tricycle driver ay kaniyang naging hanapbuhay.

Source: Bryan Celeste Page

Ang kwentong ito ni Lelibeth, ay ibinahagi ni Bryan Celeste sa kaniyang social media account. Tatlo ang mga anak ni Lelibeth na sabay nag-aaral, ang pagluluto niya ng mga pagkaing meryenda ang kaniyang naging hanapbuhay noon. Maaga siyang gumigising para makapagluto ng kaniyang mga paninda at sumasabay siya sa kaniyang mga anak na pumapasok sa school. Hindi kalaunan, ang pagtitinda ni Lelibeth ay hindi nagtagal dahil naging mahigpit ang paaralan na kaniyang pinagtitindahan.

Source: Lelibeth Javillo FB

Dahil dito naisipan ni Lelibeth na bumili ng motor na hulugan upang kaniyang magamit sa pag-iikot ng kaniyang mga paninda. Umiikot siya kanilang lugar sa Alaminos, ngunit hindi katagalan humina ang kaniyang kita sa pagtitinda. Kaya naman, dahil dito naisip na lamang niyang gawing tricycle na pamasada ang kaniyang hulugan na motor upang mapagtuloy niya ang kaniyang paghahanapbuhay. Naging miyembro si Lelibeth ng kanilang TODA at siya lamang ang nag-iisang babae. Nung una, medyo natatakot pa daw si Lelibeth dahil madalas siyang naiiwan mag-isa sa paradahan. Pero sa tulong na rin ng kaniyang ka-miyembro ay nakapag-adjust daw siya sa kaniyang pamamasada.

Source: Lilebeth Javillo FB

Kahit na panlalaki ang naging hanapbuhay ni Lelibeth hindi na ito mahalaga sa kaniya, basta’t masigurado niya lang na maitataguyod niya ang kaniyang mga anak. Marami man ang kaniyang pinagdaanan sa kaniyang mga naging hanapbuhay noon sa huli hindi pa rin siya sumuko. Kaya naman marami ang humanga sa naging kaniyang determinasyon na maitaguyod ang kaniyang mga anak.

Source: Lilebeth Javillo FB

Isang ulirang ina na maitutring si Lelibeth dahil lahat ng hanapbuhay ay kaniyang papasukin basta’t marangal matugunan lamang ang mga pangangailangan ng kaniyang pamilya.

Saludo sa mga inang kagaya ni Lelibeth!

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Ruffa Gutierrez Proud at Masayang Ibinahagi Ang Pagtatapos Ng Kaniyang Anak Na Si Lorin sa High School

TV actress na si Sam Pinto, Ibinahagi Ang Kaniyang Napakagandang Mga Maternity Pictures Sa SocMed