in ,

CuteCute

Jinkee Pacquaio, Certified Plantita Queen dahil sa mga naggagandahan nitong mga koleksiyon ng kaniyang mga halaman

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang TV Personality na si Jinkee Pacquiao ay hindi rin talaga nagpahuli sa pagiging isang certified plantita. Dahil sa mga napakaganda at mamahalin nitong mga halaman na nasa kanila mismong mansyon. Nakaka-agaw pansin ito dahil sa mamahaling presyo ng mga ito.

Source: Jinkee Pacquiao IG

Ibinahagi ni Jinkee sa kaniyang Instagram post, ang kaniyang mga rare plants at ang mga mamahaling halaman na mayroon siya. Kaya halos lahat na yata ng mga uri ng halaman ay nasa loob ng kaniyang bakuran. Kagaya na lamang ng dalawang malaking halaman na kaniya pang ginawang background sa kaniyang IG post. Ito ang kaniyang alocasia plant na kilala sa tawag na elephant ear at ayon sa mga pagsusuri mahirap daw hanapin ng halaman na ito at talagang napakamahal ang presyo.

Source: Jinkee Pacquiao IG

Mayroon din si Jinkee ng mga magagandang collection niya ng mga cactus, at iba pang mga rare at variegated plants. Hindi lang sa kanilang mansyon Manila naging dekorasyon ni Jinkee ang kaniyang mga mahahaling halaman kundi pati na rin sa kanilang magandang bahay sa General Santos City. Dito makikitang namumulaklak sa ganda ang kaniyang mga sobrang alagang mga halaman.

Source: Jinkee Pacquiao IG

Tinatawag ito ng karamihan na “luxury tropical sanctuary” dahil sa magaganda at makukulay nitong mga bulaklak at iba pang kakaibang halaman nito. Talaga nga namang kaaya-aya itong tingnan lalo pa’t ganito kagandang mga halaman ang makikita pagpasok sa kanilang mansyon.

Source: Jinkee Pacquiao IG

Kumuha pa si Jinkee ng magaling sa gardening at sa tulong na rin ni Roize Royal ng GreenNStyle, dahil dito ay mas lalong nagkabuhay ang kanilang garden sa mansyon. Narito ang iba’t ibang uri ng halaman at nakalagay sa isang lugar depende sa kanilang variety. Sa gilid ng kanilang receiving, makikita ang iba’t ibang klase ng kaniyang mga halaman kung saan kapansin-pansin ito sa mga bisita. Pinagawan din niya ito ng mini garden at mala-Japanese Zen ang itsura nito.

Source: Jinkee Pacquiao IG

Ayon kay Roize Royal, gusto daw ni Jinkee na magkaroon ng pop-of-color sa luntiang hardin kaya naman kaniya itong nilagyan ng mga grafted bougainvillea na may iba’t ibang kulay sa iisang puno lamang. Hindi rin pahuhuli ang mga bonzai tree ni Jinkee may na iba’t iba ang laki at mamahaling presyo. Sa katanuyan ang isa mga ito ay nagkakahalaga ng 100,000 pesos bawat halaman.

Source: Jinkee Pacquiao IG

Kahit si Senator Manny Pacquiao na hindi naman mahilig sa halaman ay may mga halaman na gusto niyang mapabilang sa kanilang garden, ito ay ang variegated african talisay na may iba’t ibang kulay. Dahil ang halaman na ito ay may kakaibang itsura na nagiging kulay pink ang mga dahon nito lalo na kapag mainit ang panahon. At isa ito sa mga rare plants na matatagpuan lang din sa Pilipinas. Nakakaganda nga naman ng vibes kapag may mga magagandang halaman na nakikita sa paligid.

Source: Jinkee Pacquiao IG

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Dating Eat Bulaga Co-host Na Si Ruby Rodriguez, Nagtatrabaho Na Sa Los Angeles Ngayon

Ruffa Gutierrez Proud at Masayang Ibinahagi Ang Pagtatapos Ng Kaniyang Anak Na Si Lorin sa High School