in

CryCry

Dating Eat Bulaga Co-host Na Si Ruby Rodriguez, Nagtatrabaho Na Sa Los Angeles Ngayon

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Matatandaan na matagal nang co-host si Ruby Rodriguez sa Eat Bulaga at isa ito sa mga nagbigay saya sa mga manonood ng programa. Subalit hindi na renew ang kontrata ng aktress at sa bawat pintong sasara ay mayroong magbubukas ulit.

Source: Ruby Rodriguez IG

Nito lamang Mayo ay ibinahagi ni Ruby Rodriguez ang pinakabagong chapter sa buhay niya, ang pagtatrabaho sa Los Angeles. Sa Instagram ay ibinahagi nito ang isang selfie habang nasa trabaho. Nakalagay sa caption nito, “First day of new normal for moi (smiling face with smiling eyes emoji)”

Source: Ruby Rodriguez IG

Bagamat hindi nagbigay ng buong detalye ang dating co-host sa bago nitong trabaho ay makikita naman na sa Philippine Consulate General sa L.A. ito kasalukuyang nagtatrabaho. Dinumog naman ng suporta mula sa mga katrabaho at kaibigan nito sa showbiz industry ang comment section nito. Kasama sa mga nagkomento ay ang co-host nito sa Eat Bulaga na si Pauleen Luna Sotto. Kabilang na din ang celebrity hairstylist na si Pin Antonio at si Rhea Santos na dating GMA news personality.

Source: Ruby Rodriguez IG

Napansin rin ng mga netizens ang pagkawala ni Ruby sa longest running noontime show, at may ilan na nagpakita ng concern. Ayon sa isang Instagram user, “kaya pala di na sya Ng eatbulaga. Titira na sya sa u.s. ”Samantala nilinaw naman ng isa pang Instagram user na, “What I know is hinde sya umalis, Inalis sya. I felt really bad nung nalaman ko. But im happy for her.”

May iilan naman na nagpakita ng sympatiya sa aktres at nagkomento, “nakakapanghinayang naman, ang tagal na nya sa [Eat] Bulaga ah.” Tatlompung taon si Ruby naging parte ng Eat Bulaga at talaga namang napansin ito ng mga manonood lalo na’t marami ang natutuwa sa performance ng aktres sa programa.

Source: Ruby Rodriguez IG

Di katagalan ay nagpahayag si Ruby ng cryptic message ukol sa pagkawala nito sa Eat Bulaga matapos may isang netizen ang magtanong sa kanya kung bakit hindi na ito nakikita sa programa. Ang sagot na lamang ni Ruby ay, “sila tanungin mo.” Mas marapat na maging masaya tayo para sa aktres dahil nagsisimula na ang bagong kabanata nito sa kanyang karera.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Lolang nagtitinda ng kakanin, naloko ng isang customer nang bayaran ito ng pekeng Php500, kinaawaan at tinulungan ng mga netizens

Jinkee Pacquaio, Certified Plantita Queen dahil sa mga naggagandahan nitong mga koleksiyon ng kaniyang mga halaman