in ,

OMGOMG

Isang Lugar Sa Pilipinas, Hari At Reyna Ang Namumuno At May Sariling Money Currency Na Ginagamit

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Karaniwan na sa ibang bansa na ang namumuno na mga Hari at Reyna, at ito ay pinapasa sa mga salinlahi ng bagong henerasyon. Sila ang mga ‘royal blood’ na itinuturing na mataas na uri ng mga tao sa isang bansa. Ngunit, mas nakakagulat na mayroon palang ganitong klaseng pamumuno sa bansang Pilipinas.

Source: KMJS

Naging bali-balita ngayon ang tungkol sa Hari at Reynang namumuno sa isang lugar sa Pilipinas. Marami ang hindi makapaniwala rito, sa kadahilanang ang Pilipinas ay nasa ilalim ng pamumunong demokrasya kaya napaka-impossibleng may mamunong monarkiya sa bansa. Ano ng ba ang katotohanan mula rito?

Source: KMJS

Sa isang lugar sa Mindanao ang Iligan City, ang sinasabing may Hari at Reyna ang namumuno sa kanilang lugar na gumagamit sila ng sarili nilang money currency. Dito sa nasabing lugar na ito, maaaring gamitin ang kanilang sariling pera upang ibili sa kanilang sariling pamilihan. Makikita sa kanilang sariling pera na may nakasulat itong currency certificate at ang mukha ng kanilang Reyna, sila lang din mismo ang gumagamit ng mga perang ito.

Source : KMJS

Minsan na itong naipalabas sa isang episode ng programa sa Jessica Soho (KMJS), kung saan marami ang hindi makapaniwala na mayroong ganitong lugar pala sa Pilipinas. Ito ay tinatawag nilang Kingdom Filipina Hacienda, kung saan ito ay mayroong malaking kasaysayan sa buong Mindanao. Ang palasyong ito ay matatagpuan sa Pala-o, Iligan City. Ang mga naninirahan dito ang nagpapatunay na mayroon silang sariling pamunuan at ginagamit mismo nila ang kanilang sariling pera sa kanilang mga pamilihan.

Source: KMJS

Talaga nga namang nakakagulat ang ganitong kasaysayan sa Pilipinas hindi aakalain na mayroon pala itong dalawang pamunuan. Ngunit, ano pa man ang mga ganitong pangyayari ang mahalaga lahat ng tao ay nagkakaisa upang mapaunlad at mapanatiling maayos ang kanilang bansang kinabibilangan.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Nakakamangha Ang Kasipagan Ng Batang Ito Na Nagagawang Ipagsabay Ang Pagmomodule At Ang Pagtitinda Ng Balut

Netizens, Namangha Sa Glow-up Photos Ng The Voice Kids Grand Winner Elha Nympha