in

Nakakamangha Ang Kasipagan Ng Batang Ito Na Nagagawang Ipagsabay Ang Pagmomodule At Ang Pagtitinda Ng Balut

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Kahit maraming bata ang nakakaranas ng kahirapan hindi pa rin nawawala ang mga ito ng pag-asang sila ay makakaahon sa hirap ng buhay. Ngayong panahon ng p@ndemiya, ibang-iba na ang sistema ng pag-aaral ng mga bata dahil sa tinatawag ng ‘blended learning’. Kung saan hindi na sila aktuwal na pumapasok sa paaralan kundi nagsasagot na lamang sila ng kanilang mga learning modules. Pero minsan, dahil sa nararanasang kahirapan may mga batang ipinagsasabay ang pagsasagot ng kanilang mga modules habang nagha-hanapbuhay. Katulad na lamang ng batang ito na seryosong nagsasagot ng kaniyang module habang siya ay nagtitinda ng balut.

Source: Vanessa Belonio

Ang kwento ng batang ito ay ibinahagi ni Vanessa Belonio sa kaniyang social media. Makikita sa larawang kaniyang ibinahagi ang batang ito na nagtitinda ng balut sa harap ng plaza sa Victorias City, Negros Occidental, ang batang ito ay napag-alamang 15 taong gulang pa lamang. Ang batang ito ay matiyagang nagsasagot ng kaniyang module habang naghihintay na may bibili ng kaniyang panindang balut.

Ang masipag na batang ito ay kinilalang si Julius Barbosa siya ay grade 10 pa lamang na nag-aaral sa Victoria City National High School. Ang tanging hanapbuhay lamang ng ama ni Julius ay pamamasada ng tricycle at ang kaniyang ina naman ay isa lamang maybahay. Siya ang panganay sa kanilang 9 na magkakapatid dahil sa pagiging panganay, 7 taong gulang pa lamang siya ay natuto na siyang maghanapbuhay sa pamamagitan na pagtitinda ng balut upang makatulong sa kaniyang mga magulang.

Source: Vanessa Belonio

Ayon pa sa bata na si Julius, dinadala na lamang raw niya ang kaniyang mga modules habang ito ay naghihintay ng mga bumibili. Dahil hindi raw niya kasi ito maasikaso sa umaga gawa ng tumutulong siya sa kaniyang ina sa gawaing bahay at pag-aalaga ng kaniyang mga kapatid. Kaya alas-kwatro na siya ng hapon nakakaalis sa kanilang bahay at hanggang alas-diyes ng gabi ang kaniyang pagtitinda kaya naman raw kapag wala pang bumibili ay talagang sinusulit niya ang kaniyang oras upang matapos lamang ang kaniyang mga modules.

Source: Vanessa Belonio/ Bayan Mo IPatrol Mo

Kahit na abala si Julius sa pagtitinda ng balut pursigido pa rin ito sa kaniyang pag-aaral. Dahil pinahahalagahan niya ang kaniyang oras na habang nag-aantay ng mga bibili ay ipinapagpapatuloy niya ang pagsagot sa kaniyang mga modules. Kaya sa labis na paghanga sa kaniya ni Vanessa ibinahagi ito ng dalaga, napabilib siya sa sipag at tiyaga ni Julius na pagsabayin ang kaniyang pag-aaral sa paghahanapbuhay sa kabila ng kaniyang napakabatang edad.

Isang inspirasyon ang batang ito sa ibang mga kabataan na ginagawa ang lahat ng paraan upang maitaguyod lamang ang kanilang pag-aaral.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Milagrosong Mukha ni Hesukristo Nagpakita Sa Davao Oriental

Isang Lugar Sa Pilipinas, Hari At Reyna Ang Namumuno At May Sariling Money Currency Na Ginagamit