in

LoveLove

Milagrosong Mukha ni Hesukristo Nagpakita Sa Davao Oriental

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang kapaskuhan ay ang pagdiriwang ng kapanganakan ni Hesus. Ito ang tunay na diwa ng pasko ang ipagdiwang ang kaarawan ng ating tagapagligtas. Ngunit, may iba talaga na kinakalimutan ang tunay na dahilan kung bakit nagkakaroon ng selebrasyon ang pagdating ni Hesus. Ang iba marahil sa kanila ang tanging mahalaga lamang ay ang mga regalong kanilang natatanggap sa tuwing sasapit ang pasko.

Source: Facebook

Katulad na lamang ng isang milagrosong mukha ni Hesus ang nakita umano sa Davencor, Governor Generoso sa Davao Oriental. Ito ay nakita ng mga residente sa isang pader na nakatayo sa lugar na iyon. Agad naman nila itong inalayan ng mga bulaklak at kandila. Ayon sa mga residente, nagpakita umano ang imaheng ito bago ang araw ng kapaskuhan. Ang mga tao mula sa iba’t ibang bayan ay dumayo sa lugar na ito upang magdasal.

Source: Amalia Guarin

Isa sa mga bumisita at nakasaksi ng imaheng ito, ang nagbahagi sa facebook ng kwentong ito. Siya ay nakilala bilang si Amalia Ojendras Guarin. Sa kaniyang post, marami ang nagtatanong kung totoong imahe nga ito ni Hesus at kung saan ito matatagpuan. Ayon naman Amalia, totoo umano ang imaheng ito dahil siya mismo ang magpapatunay nito. At hindi lang iyon, isang patunay na rin ang maraming mga taong pumupunta sa lugar na iyon. Dahil sa pagkalat nito sa social media, mas marami pang mga tao ang dumadayo sa imaheng ito. Kung saan ang mga taong ito ay labis na nagdarasal at nanalig sa Panginoong Hesuskristo.

Source: Ai Cañezo

Isa rin si Ai Cañezo sa mga nagbahagi sa kaniyang pagpunta kasama ang kaniyang pamilya sa nasabing imahe. Makikita sa larawan na kasama niya ang kaniyang asawa at anak, at talagang kapansin-pansin ang malinaw na imahe nito ni Hesus. Marami ang nagsasabi na isa umano itong paalaala na nasa nalalapit na pagdiriwang ng kapaskuhan ay malaman ng mga tao ang tunay na diwa nito. May nagsasabi ring ang pagpapakitang ito ay isang signos ng mga nakaranasan na sakuna ng paglindol sa Mindanao. Marahil ito ang paraan ng Hesus, na may nais siyang iparating sa mga tao sa buong Mindanao.

Source: Facebook

Sa kabilang banda, totoo man o hindi ang pangyayaring itong. Huwag pa rin nating kalimutan ang magdasal sa araw-araw at humingi ng gabay at pasasalamat sa ating mga buhay. Patuloy tayong gumawa ng kabutihan sa ating kapuwa saanman tayo makarating. Dahil ang Panginoong Hesus ay laging andyan lamang at nakatanaw sa lahat ng ating ginagawa.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang Lolo Na Naninirahan Sa Isang Bubong, Tinulungan At Pinagawan Ng Bahay Ng Kanyang OFW Na Kapitbahay

Nakakamangha Ang Kasipagan Ng Batang Ito Na Nagagawang Ipagsabay Ang Pagmomodule At Ang Pagtitinda Ng Balut