in

OMGOMG

Proud Na Proud Si Ai Ai Delas Alas Sa Kaniyang Asawa Dahil Sa Nabili Nitong Mamahaling Sasakyan

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa halos ilang dekada na ni Ai Ai Delas Alas sa industriya ng showbusiness bilang komediyante at aktres ay marami na rin siyang napagdaanan at kinaharap na problema ngunit kalakip naman ng kaniyang mga naranasan ay ang mga aral at tagumpay na kaniyang nakamit.

Source: Ai-Ai IG

Ang pagiging masinop at disiplinado sa paggamit ng pera ang ugaling gustong gusto ni Ai Ai at tila ito nga ang ugaling nagustuhan niya sa kanyang asawa na si Gerald Sibayan, kaya hindi naging hadlang para sa kanila ang halos 29 year na gap sa sa kanilang edad. Masaya at maganda ang nagiging takbo ng kanilang relasyon dahil sa tila nahanap nila sa isat-isa ang ugaling gusto nila at pagmamahal.

Source: Ai-Ai IG

Taong 2017 nang magpakasal ang dalawa at nangakong kahit malaki ang agwat ng kanilang edad ay parehas silang magtutulungan at pasasayahin ang isat-isa habang buhay. Nang nakaraan proud na ibinahagi ni Ai Ai sa kanyang Instagram Account ang mga litrato ng kaniyang asawa at ang litratong iyon ay larawan ng kaniyang asawa at ang bago nitong mamahaling sasakyan.

Source: Ai-Ai IG

Ito ang kaniyang naging pahayag sa litratong iyon, “Flex ko lang asawa kong masipag at determinado sa buhay. Nakakatuwa tong tao na ‘to pag sinabi niya mangyayari talaga nagugulat nalang ako”.

Source: Ai-Ai IG

Matagal na raw itong gustong bilhin ni Gerald at kinukulit niya raw lagi si Ai Ai tungkol rito ngunit hindi pumapayag si Ai Ai dahil wala raw silang nakalaang ipon para sa nais niyang mamahaling sasakyan. At dahil sa mapillit ito at naniniwala daw siyang sa pamamgitan ng kaniyang sipag at Law of attraction ay mangyayari ang kaniyang nais na makabili nito. Sa pagkakataong nagpaalam muli si Gerald sa kanyang asawa para bilhin ang nais nitong sasakyan at ipinakita niya ang kaniyang savings account ay wala ng nagawa ito kundi suportahan nalang si Gerald.

Source: Ai-Ai IG

Ang naipong savings ni Gerald ay mula ng sumubok siya ng isang franchise businesss taong 2019, at kahit sinubok agad ito dahil sa nagkaroon ng pandemiya ay hindi ito sumuko at mas pinagbutihan niya pa ang kaniyang pagbubusiness. Madalas na napapansin ni Ai Ai na halos wala na raw tulog ang kaniyang asawa sa subrang tutok sa trabaho, abala raw lagi ito dahil sa business presentation at pagdalo sa online meeting kasama ang kanilang mga business partners na nasa ibat-ibang panig ng mundo. Kayod kalabaw na nga raw ito kaya talagang naging possible para sa kanya na mabili ang ninanais nitong mamahaling sasakyan.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Bibliya ang naging daan upang malampasan ang pagsubok ng isang lalaking nagpalutang-lutang sa gitna ng dagat sa loob ng 49 na araw

Isang Lolo Na Naninirahan Sa Isang Bubong, Tinulungan At Pinagawan Ng Bahay Ng Kanyang OFW Na Kapitbahay