in

OMGOMG

Isang Lolo Na Naninirahan Sa Isang Bubong, Tinulungan At Pinagawan Ng Bahay Ng Kanyang OFW Na Kapitbahay

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Isang matandang lalaki ang namataang naninirahan sa ilalim ng bubong. Literal na bubong lamang ang tinitirahan nito, walang dingding at nakasayad sa lupa ang yero na nagsisilbing tahanan ni Lolo Rogelio Tabangcura.

Source: Facebook

Kwento ng 68 taong gulang na lolo ay ang bubong na lamang ang natira sa kanyang bahay matapos itong masira ng bagyo. Sa Barangay Nanerman sa Santo Domingo, Ilocos Sur nakatira si Lolo Rogelio at siya’y mag-isang namumuhay. Paminsan-minsan ay dinadalhan umano ito ng pagkain ng kanyang kapatid ngunit sa hirap ng buhay ay wala rin itong kakayahan na pagawan ng bahay si Lolo Rogelio. Bulag ito, kaya naman ay pakapa-kapa lamang ito at madalas na nakayuko o nakaupo dahil sa maliit na espasyo sa loob ng bubong.

Source: Facebook

Dumating naman ang OFW na may mabuting puso at nagpasya na tulungan si Lolo mapatayuan ng maayos na bahay. Ito ay si Krishna Tobia, na nagtatrabaho sa Washington, USA. Sinikap ni Krishna na mapatayuan si Lolo Rogelio ng bahay at sa tulong nito ay nakalikop ito ng $2000 o Php. 100,000. Si Krishna ang naging daan upang makatulong rin ang ibang netizens at mga kababayan natin mula Ilocos Sur na matulungan si lolo Rogelio.

Source: Facebook

Ang iba ay nagbahagi ng mga kagamitan at materyales na kakailanganin sa pagpapatayo ng bahay ni lolo Rogelio. Mayroon rin namang naglaan ng oras sa pagtulong sa pagbuo ng bahay. Mula sa pagbubuhat ng materyales, maghahalo ng cemento at pagbabaon ng bakal ay ginawa ng mga netizens na nagmalasakit kay lolo Rogelio.

Source: Facebook
Source: Facebook

Hindi na kakailanganin ni tatay magtiis at matakot sa bawat bagyo na dadaan dahil mayroon na siyang matibay na bahay. Hindi na rin nito kailangan yumuko magdamag o umupo ng magdamag di tulad noong nakatira siya sa bubungan. Nawa ay mayroon pang mga tao na tulad ni Khrisna ay tumulong sa ating mga kababayan na naghihirap.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Proud Na Proud Si Ai Ai Delas Alas Sa Kaniyang Asawa Dahil Sa Nabili Nitong Mamahaling Sasakyan

Milagrosong Mukha ni Hesukristo Nagpakita Sa Davao Oriental