in , ,

Bibliya ang naging daan upang malampasan ang pagsubok ng isang lalaking nagpalutang-lutang sa gitna ng dagat sa loob ng 49 na araw

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Bawat tao ay may kinakaharap na pagsubok o problema araw-araw at sa bawat tao ito ay iba-iba. Iba-iba rin ang paraan na ginagawa natin upang malampasan ang mga ito. Subalit naniniwala ba kayo na ang hinahanap nating sagot sa problema ay nasa bibliya lamang?

Para sa isang 19-year old na lalaki, bibliya ang sumagip sa kanya sa isang imposibleng sitwasyon. Isang himala ang pagkaligtas ng isang Indonesian teenager ang kanyang dinanas sa loob ng 49 na araw. Siya ay si Adilang, at ang pangunahing pamumuhay niya ay ang pagsindi ng mga lampara o ‘trap lamps’ na siyang nagiging pain sa mga isda. Sa isang lumulutang na kubo siya nakatira at may kalayuan sa baybay. Linggo-linggo ay hinahatiran na lamang umano siya ng tubig na maiinom at pagkain. Ngunit sa di inaasahang pangyayari ay naputol ang lubid na nagkakabit sa kanyang kubo at sa baybay.

Sa unang sandali ay hindi kinabahan si Adilang dahil inaasahan niyang may makakapansin sa pagkawala ng kanyang kubo ngunit nang ilang araw na ang makalipas na palutang-lutang ang kanyang kubo ay wala pa ring tulong ang lumapit sa kaniya. Dito na siyang magsimulang mag-alala at mag-isip ng paraan upang makasurvive.

Sa bawat sandali na siya’y may makikitang barko ay sinisikap niyang humingi ng tulong, ngunit hindi ito siya napapansin o kaya naman ay hindi naiintindihan ng mga ito ang kanyang paghingi ng saklolo.

Para sa kanyang pagkain ay namimingwit ito umano ng isda at ang tubig alat naman ay pinipiga niya ng paulit-ulit sa kanyang damit upang mabawasan ang alat. Hindi sumuko si Adilang dahil sa bawat sandali ay nagbabasa siya ng bibliya. Ito umano ang nagbibigay lakas at pag-asa sa kaniya habang siyang nasa dagat.

Matapos ang 49 na araw ay nasagip si Adilang ng barko na mula sa Guam. Sa katunayan ay nakapasok na pala ito sa border ng bansang Guam at nang lumapit ang rescue team ay nagulat ang mga ito sa nalaman. Si Adilang ay isang teenager na survivor. Sa kabila ng dinanas ni Adilang ay laking pasasalamat niya sa Panginoon at sa bibliya na nagbigay ng pagasa sa kanya.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang Bahay Kubo Mayroong Nakakamanghang Interior Design Dahil Sobrang Ganda Nito

Proud Na Proud Si Ai Ai Delas Alas Sa Kaniyang Asawa Dahil Sa Nabili Nitong Mamahaling Sasakyan