in

LoveLove

Isang Bahay Kubo Mayroong Nakakamanghang Interior Design Dahil Sobrang Ganda Nito

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa bansang Pilipinas tradisyunal na ang bahay kubo ito ang klase ng bahay na simple at gawa sa native na kagamitan tulad ng kawayan, nipa at kugon o diyame. Ang ilan sa mga Pilipino na nakatira sa probinsya ay mas pinipiling manirahan sa ganoong tirahan sapagkat ito’y presko at nakakarelax lalo na tuwing mainit ang panahon.

Source: Bresa Buccat Bernardo Ibasitas
Source : Bresa Buccat Bernardo Ibasitas

Tila may malikhaing isip ang mga Pinoy tulad ni Bresa Buccat Bernardo Ibasitas na nagpagawa ng bahay kubo na may modern interior design na ibinahagi niya sa kaniyang Facebook post. Ang kaniyang modern bahay kubo ay bunga ng kanyang pagsisikap sa kanyang online selling. Ang modern bahay kubo ay mayroong aircon, double deck at naka sliding window, sa unang tingin hindi mo aakalaing ganun pala kaganda ang loob ng ng simpleng bahay kubo. May sukat na 6×16 ft ang kaniyang bahay na halos nasa Php70,000 ang kaniyang nagastos sa pag papagawa ng kaniyang modern bahay kubo kasama na ang mg sliding window, aircon at wirings.

Source: Bresa Buccat Bernardo Ibasitas
Source: Bresa Buccat Bernardo Ibasitas

Masaya at proud sa kanyang sarili si Bresa sapagkat nabibili niya ang kanyang mga ninanais gamit ang sarili niyang pera at ang pinaka the best sa lahat ay nakapagpundar siya ng bahay ng hindi na umaasa sa kanyang mga magulang. Para sa kanya worth it ang kaniyang pagpupuyat at stress sa pag-oonline selling dahil malaki ang naitutulong nito para sa kaniyang buhay.

Source: Bresa Buccat Bernardo Ibasitas
Source: Bresa Buccat Bernardo Ibasitas

Ito ang kaniyang naging pahayag, “Oo, may mga costumer na mahirap at masungit pakiusapan, buti na lang mas maraming nagtiwala at mababait na costumers na dumadating. Sabi nga nila mahirap kumita sa Pinas pero ang importante gumagawa ka ng paraan para kumita.” At para sa kapwa niya online seller, ito ang kaniyang maipapayo, “Kaya sa mga kapwa ko online sellers na may pangarap tulad ko, kapit lang darating din yung time niyo. Sipagan lang walang impossible!”

Source: Bresa Buccat Bernardo Ibasitas
Source : Bresa Buccat Bernardo Ibasitas

Kwento niya pa nakikitulog lang daw siya dati at wala siyang sariling kwarto ngayon ay may maganda, comportable at sariling kwarto sa kaniyang sariling bahay. Wika pa niya, “from IMPOSSIBLE to POSSIBLE”.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Silipin Dito Ang Anim Na Babaeng Magkakapatid Na Pareho Ang Piniling Karera Sa Buhay Bilang Pulis

Bibliya ang naging daan upang malampasan ang pagsubok ng isang lalaking nagpalutang-lutang sa gitna ng dagat sa loob ng 49 na araw