in

CuteCute

Silipin Dito Ang Anim Na Babaeng Magkakapatid Na Pareho Ang Piniling Karera Sa Buhay Bilang Pulis

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa magkakapatid, bawat isa ay iba-iba ang ugali at pangarap sa buhay. Kaya naman ay nagulat ang mga netizens nang magviral ang kwento ng anim na magkakapatid sa Iloilo.

Isang post ang naglalaman ng pasasalamat at pagmamahal ang nagviral noong mother’s day. Ito ay mula sa magkakapatid na Guelos, at bilang handog nila sa kanilang mga magulang ay nagphotoshoot ang magkakapatid na suot-suot ang uniporme nila sa pagka-pulis. Ayon sa kanila ay naabot umano ng magkakapatid ang kanilang mga pangarap nang dahil sa sipag at tyaga ng kanilang magulang na si Crispin at Clemencia Guelos.

Iba’t-ibang trabaho umano ang pinasok ng mag-asawa mula sa pagiging construction worker, pagsasaka sa bukid at pagbebenta ng kung anu-ano ay ginawa ng mag-asawa upang makapagtapos at maitaguyod ang kanilang mga anak. Tunay na mahirap ang buhay ngunit sa mag-asawa ay sadyang sinikap nila na kumayod upang mapagtapos ang mga anak.

Dumating pa ang punto sa buhay ng pamilyang Guelos ang isang pagsubok nang magkasakit ng leukemia si Crispin. Ngunit sa awa ng Diyos ay gumaling din si Crispin at itinuloy ang laban ng buhay. Sa katunayan ay siyam ang mga anak nila Crispin at Clemencia. Anim sa mga ito ay babae habang tatlo naman ay mga lalaki, kaya naman gayun na lang din ang pagsusumikap ng mag-asawa. Lahat silang magkakapatid ay nakapagtapos ng pag-aaral at ang kabilib-bilib pa roon ay ang anim na babae ay piniling maging bahagi ng Philippine National Police.

Ayon kay Anthony Jimoga-on na photographer ng magkakapatid sa photoshoot, “Despite living in poverty, their parents worked hard as laborers (as construction workers, farmers, vendors, etc.) to send their children to school. Their love was blessed by God with nine (9) wonderful children: 3 boys and 6 girls, all of whom graduated and are now professionals…But what’s incredibly amazing is all of their daughters graduated with different bachelor’s degrees but possessed brave hearts and strong minds to become successful police officers.”

Basahin ang buong mensahe ng magkakapatid na Guelos:

“Tatay, Nanay, THANK YOU!”
Ikinamangha naman ng maraming mga netizen ang propesyon ng babaeng magkakapatid na Gueros na piniling maging pulis lahat. Ani ng mga ito, sinuman umano ay hahanga sa mga ito lalung-lalo na ang kanilang mga magulang na nagsikap para sa kanila.
Saludo umano ang mga ito sa tapang ng magkakapatid, sa kanilang determinasyon, at sa pasasalamat ng mga ito sa kanilang mga magulang.
Heto nga ang iba pang komento na ibinahagi ng mga netizen tungkol sa magkakapatid na pulis:

“Sa profession ninyong magkakapatid ngayon ay kahit sinong magulang ay sasaya. God bless you all!”
“One of a kind. I salute the parents! And I salute all their children, they wasted nothing of their parent’s sacrifes because all 9 of them are professionals! Galing po!”

“Swerte ng mga magulang na makitang nagtagumpay ang mga anak. Worth it lahat ng pagod at hirap. Saludo po ako sa mga magulang na kayang gawin lahat pra sa mga anak, mapabuti lamang ang kanilang kinabukasan.”

“Ang galing naman! Saludo ako sa mga magulang na ganun… sa pagsisikap para sa mga anak. Congrats po!”

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Kahanga-hanga Na Nagsauli ng $100 bills Ang Isang Taxi Driver Na Naiwan Umano Ng Kaniyang Pasahero

Isang Bahay Kubo Mayroong Nakakamanghang Interior Design Dahil Sobrang Ganda Nito