in ,

Kahanga-hanga Na Nagsauli ng $100 bills Ang Isang Taxi Driver Na Naiwan Umano Ng Kaniyang Pasahero

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Pinakamasarap sa pakiramdam ang pagiging matapat. Sa hirap ng buhay ngayon, may mga tao pa rin naman ang gumagawa ng mga mabubuting bagay. Sila ang mga taong dapat na tinutularan, kagaya ng isang taxi driver na nakasauli ng dollar bills na naiwan ng kaniyang naging pasahero.

Siya ay nakilala bilang si Rolly Callejo Sr., na mula pa sa Dagupan, Pangasinan City. Ito ay naibinahagi ni Eva Visperas sa kaniyang facebook account. Ayon sa post, si Rolly ay nagbalik ng 56 pirasong $100 bills na naiwan ng kaniyang pasahero sa loob ng kaniyang taxi. Nang makita ito ni Rolly ay agaran niya naman itong pinaabot sa kinauukulan para maibalik sa may-ari na kaniyang pasahero. Nag-aalala rin umano si Rolly, na baka hinahanap rin ito ng kaniyang pasahero. Kaya walang alinlangan niya itong isanauli.

Nakakamangha ang kaniyang naging katapatan dahil hindi siya nasilaw sa salapi. Mas nanaig pa rin sa kaniya ang paggawa ng kabutihan sa kaniyang kapuwa. Kahit na may maitutulong ito sa kaniyang pamilya hindi niya pa rin ito inangkin dahil hindi naman raw sa kaniyang ang pera. Dahil dito maraming netizens ang humanga sa kaniyang ipinakitang katapatan. Kahit na mahirap ang buhay, hindi raw naisip ni Rolly na kunin na lamang ito at gamitin. Sapagkat, nangingibaw kay Rolly yang kabutihan sa kaniyang puso.

Magandang halimbawa ang naging katapatan ni Rolly, dahil kahit na malaking halaga ang kaniyang naisauli hindi niya ito inangkin. Ginawa lang naman ni Roll yang kaniyang responsibilidad bilang isang matapat na mamamayan. Tunay ngang isang inspirasyon ang kaniyang ipinakitang katapatan.

Isa lamang si Rolly sa mga taong gumagawa ng kabutihan sa kaniyang kapuwa. Sa gitna ng krisis, mahalaga pa rin sa kaniya ang katapatan kahit na minsan ay nangangailangan rin siya ng pinansiyal. Pinanatili pa rin ni Rolly na marangal at walang bahid ng dungis ang kaniyang hanapbuhay. Sa kaniyang pagiging matapat mas marami pa siyang magiging pasahero na magtitiwala sa kaniya.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Barok Man Magsalita Ng English, Naging Magna Cum Laude At Negosyante Na Ngayon

Silipin Dito Ang Anim Na Babaeng Magkakapatid Na Pareho Ang Piniling Karera Sa Buhay Bilang Pulis