in

LoveLove

Barok Man Magsalita Ng English, Naging Magna Cum Laude At Negosyante Na Ngayon

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Upang maabot ang ating mga pangarap kinakailangan lagi ng pagsusumikap. Laging determinasyon ang pinanghahawakan upang maabot ang tagumpay. Kahit hindi ka matalino basta’t madiskarte ka sa buhay siguradong malayo ang iyong mararating. Dahil ang tao naman ay iba iba ang angking galing at talino. At normal lamang sa tao ang magkamali, dahil sa pagkakamali tayo natuto. Isa na rito ang kwento ng isang babaeng naging “MAGNA CUM LAUDE KAHIT MALI MALI ANG ENGLISH”.

Ito ay kwento na isang babae na si Mimi, ito ay naibahagi sa facebook page ng Kamila’s 4am Art. Sa kaniyang pagbabahagi, nakakaranas siya ng sakit na dyslexia kaya hindi maiwasan na nagkakamali siya sa grammar at spelling. Noong siya nasa kolehiyo pa lamang, nahihiya raw siyang makisalamuha sa kaniyang mga kaklase lalo pa’t ang subject ay English. Dahil ayaw niya raw mapahiya at mapagtawanan sa kaniyang pagiging “barok” magsalita ng English. Ngunit ang kaniyang buhay ay nagbago nang siya nakipagsapalaran sa bansang Japan at doon na niya ipinagpatuloy ang kaniyang pag-aaral.

Doon hindi niya nararanasang, pagtawanan kahit hindi siya magaling magsalita ng Japanese. Habang siya ay namumuhay sa Japan, unti-unti niya na ring natutunan ang salita ng mga ito. Dito siya nagkaroon ng reyalisasyon kung bakit ang mga Pinoy ay madalas pagtawanan ang mga taong hindi marunong magsalita ng English.

Sa kaniyang pananatili, dito naging malaya siyang nakakapagsalita kahit na hindi siya fluent mag-Japanese. Dagdag pa niya, ang katalinuhan ay hindi sukatan ng pagkatao dahil lahat ng tao may kaniya-kaniyang kakayahan sa pagsasalita ng anumang wika. Basta’t ang mahalaga ito ay pinagsusumikapan na matutunan.

Masayang ipinagmamalaki ni Mimi na siya ay naging Magna Cum Laude kahit na mali mali ang kaniyang English. Ibinahagi niya ang kaniyang kwento upang maging inspirasyon sa mga taong na nakakaranas na ipahiya dahil sa hindi pagiging magaling. Dahil sa kaniyang naging positibong pananaw sa buhay, maraming mga netizens ang humanga sa kaniya.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Parking Boy Na May Kapansanan, Tapat Na Nagsauli Ng Napulot Na Wallet Na May Lamang Pera At Credit Card

Kahanga-hanga Na Nagsauli ng $100 bills Ang Isang Taxi Driver Na Naiwan Umano Ng Kaniyang Pasahero