in

Proud and Happy Single Dad Si Wowie De Guzman At Hands-on Siya Sa Pagpapalaki Sa Kanyang Anak

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Bilang magulang, isang malaking accomplishment ang lumaki ng mabuti ang mga anak. Kaya naman ay nagsusumikap ang mga parents na maibigay ang pangangailangan at mapagaral ang mga anak. Sa kabila ng mga pagsubok na dumarating ay kinakailangan na magpakatatag ng mga magulang at patuloy sa pagkayod upang mabigyan ng mabuting buhay ang mga anak.

Source: Wowie De Guzman IG

Bagamat sikat na sikat, ay hindi ito naging dahilan upang maging panatag sa buhay si Wowie De Guzman. Sa kabila rin ng busy na schedule ay nakilala nito si Sheryl Ann Reyes na siyang minahal nito. Nagbunga naman ang kanilang pagsasama at binayayaan sila ng isang napakagandang anak na babae na si Alexandra Rafaella o ‘Raff’.

Source: Wowie De Guzman IG

Si Raff ang nagbigay ng kakaibang saya sa kanilang dalawa ngunit dumaan ang panahon na binawian ng buhay ang asawa ni Wowie. Masakit at mahirap ang mawalan ng kabiyak lalo na’t may anak na pinapalaki. Kinakailangang maging matatag at matibay sa harap ng anak. Mabuti na lamang ay kinaya ni Wowie ang pagsubok na ito at dinoblehan pa ang sipag bilang single parent kay Raff.

Source: Wowie De Guzman IG

Lumaki naman ng mabuti at maganda si Raff, at sa katunayan ay kahawig na kahawig nito ang kanyang ina na si Sheryl. Pati umano mga kilos at pag-uugali nito ay kaparehang-kapareha sa ina. Ang kanyang talento naman sa pagsasayaw ay walang duda na namana ni Raff sa kanyang ama. Ito pa ang nagiging bonding time ng mag-ama, ang sumayaw. Makikita sa Instagram account ni Wowie na proud at masayang masaya ito tuwing sumasayaw sila ni Raff.

Source: Wowie De Guzman IG

Kapansin-pansin pansin rin na talagang maalaga si Wowie sa anak, simula noong sanggol pa lamang ito hanggang sa paglaki nito ay ibinabahagi niya ang mga moments sa kanyang Instagram account. Lahat ng milestone bilang isang ama ay nakarecord at kitang-kita ang dedikasyon nito bilang ama sa bawat larawan at post ng batikang aktor.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Amang Kahit Sa Kaniyang Huling Hininga Ay Inisip Pa Rin Ang Kalagayan Ng Kaniyang Maiiwan Na Mga Anak

Parking Boy Na May Kapansanan, Tapat Na Nagsauli Ng Napulot Na Wallet Na May Lamang Pera At Credit Card