in

LoveLove

Parking Boy Na May Kapansanan, Tapat Na Nagsauli Ng Napulot Na Wallet Na May Lamang Pera At Credit Card

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa hirap ng buhay talagang halos lahat ay nagdodoble kayod upang mapunan lang ang pang araw-araw na pangangailangan at gastusin ng pamilya. At dahil sa hirap ng buhay sakaling maswerte kang makapulot ng pitakang may lamang pera at mahahalagang bagay, sa tingin mo ano ang gagawin mo? Aangkinin mo ba o ibabalik sa talagang nagmamay-ari nito tulad ng ginawa ng isang parking boy.

Kamangha-mangha ang katapatang ginawa na pagsauli ng pitakang napulot na naglalaman ng pera at credit card. Kahit na hirap sa buhay ang parking boy ay hindi siya natuksong angkinin ang napulot na pitaka. Ayon kay Charlon Ignacio pumunta siya sa Marikina Bayan BPI para magwithdraw ngunit noong makapagwithdraw at makarating na siya sa kanilang bahay napansin niyang nawawala na pala ang kanyang pitaka na laman ang winithdraw niyang pera.

Source: Charlon Ignacio

Ang una agad na pumasok sa kanyang isip ay baka sakaling nalaglag niya ito sa parking area kaya bumalik siya sa parking area at hinanap ang kanyang pitaka ngunit wala siyang nakita. Sa malapit na convenience store, nagtanong siya sa isang crew nito kung mayroon bang cctv ang kanilang store at dahil doon biglang nakilala ng crew si Charlon at sinabi sa kanyang may nakakita ng kanyang pitaka at ito nga yung parking boy ngunit ng hinanap siya nito ay hindi na sila nag-abot.

May isang maliit ng papel na inabot ang crew at ang nakalagay rito ang pangalan at numero, nalaman niyang pumunta sa police station na malapit sa lugar kung nasaan sila at doon ibinigay ng parking boy ang napulot niyang wallet. Agad namang nagtungo sa nasabing police station si Charlon at agad naman isinauli sa kanya ang kanyang pitaka. Pagkakuha niya ng kanyang pitaka ay agad niyang tinawagan ang numerong nakasulat sa maliit na papel at dito niya nalaman kung sino ang lalaking tapat na nagsauli ng kanyang pitaka, Jheonathan Romasanta ang kanyang pangalan.

Source: Charlon Ignacio

Si Jheonathan ay walang trabaho, lumaki sa lansangan at may kapansanan pero nagawa niya pa ring isauli ang pitakang kanyang nakita at hindi man lang daw sumagi sa kanyang isip na angkinin ito kahit na may pangangailangan din ito dahil wala siyang pambili ng pagkain at gamot. Pinasalamatan din ni Charlon ang kasama ni Jheonathan na pumunta ng police station na si Emmanuel Villegas.

Si Emmanuel ang tumulong kay Jheonathan upang maibalik ang pitaka at dahil sa nasaksihan ni Emmanuel na katapatan ni Jheonathan ay binilhan niya ito ng pagkain at binigyan niya ito ng trabaho. Nawa’y marami pa ang maging tapat na Pilipino tulad ni Jheonathan.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Proud and Happy Single Dad Si Wowie De Guzman At Hands-on Siya Sa Pagpapalaki Sa Kanyang Anak

Barok Man Magsalita Ng English, Naging Magna Cum Laude At Negosyante Na Ngayon