in ,

Amang Kahit Sa Kaniyang Huling Hininga Ay Inisip Pa Rin Ang Kalagayan Ng Kaniyang Maiiwan Na Mga Anak

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Masakit sa pakiramdam ang mawalan ng mga mahal sa buhay. Lalo na kung ito ay ang ating mga magulang. Ang mga magulang ang siyang karamay natin sa lahat ng pagkakataon, sa hirap man o sa ginahawa. Kaya talagang napakasakit na mawalan ng isang magulang.

Ganito na lamang ang lungkot na pinagdaanan ng pamilya nila Dy Dela Paz nang pumanaw ang kanilang ang ama. Ibinahagi ni Dy sa kaniyang facebook account ang makabagbag damdaming pangyayari na iniwan sa kanila ng namayapang ama.

Ayon sa post ni Dy, hindi daw siya makapaniwala na hanggang sa huli tanging kapakanan pa rin ng kanilang pamilya ang inisip ng kaniyang ama.

Pagkukwento ni Dy, namomroblema raw sila kung saan raw sila kukuha ng perang panlibing ng kaniyang ama dahil wala daw talaga silang kapera-pera nang namaalam ang kanilang ama. Kaya naman hindi nila inaasahan ang isang himalang dumating sa kanila nung araw na iyon, dahil nakita umano ng kaniyang nanay ang inipon na pera na nakalagay sa loob ng bag ng kaniyang ama. Laking gulat na lamang ng kaniyang ina nang makita niya ang maraming pera sa loob ng bag na laging dala ng kaniyang ama noong nabubuhay pa ito.

Dagdag pa ni Dy, talagang nagulat daw talaga sila hindi nila inakala na ganoon kalaki ang naipon na pera ng kanilang ama. Kaya pala laging dala-dala ng kaniyang ama ang bag na pinaglagyan niya ng pera kahit saan man ito pumupunta noong nabubuhay pa. Iyon pala ay may laman na malaking biyaya na magsasalba sa kanilang problema sa pera. Ayon pa kay Dy, kaya pala ayaw ipalaba ng kaniyang ama ang paborito nitong bag dahil andoon pala nakatago ang malaking halagang naipon niya na pera.

Kahit na labis ang naging kalungkutan ng kanilang pamilya, nagpasalamat pa rin sila sa kanilang ama na kahit sa huling hantungan nito ay hindi sila pinabayaan na maghirap. Isinasa-diyos na lamang ni Dy at ng kaniyang pamilya ang yumao nilang ama. Nais rin nilang iparating kung gaano nila kamahal ang kanilang ama.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang Estudyanteng Namamasada Ng Jeep Noon Upang Makatapos Sa Kolehiyo, Isa Ng Engineer Ngayon

Proud and Happy Single Dad Si Wowie De Guzman At Hands-on Siya Sa Pagpapalaki Sa Kanyang Anak