in

Isang Estudyanteng Namamasada Ng Jeep Noon Upang Makatapos Sa Kolehiyo, Isa Ng Engineer Ngayon

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang pagpupursige sa buhay ay hindi ganoon kadali, marami ka munang napagdadaanan sa buhay bago makamit ang tagumpay. Maraming mga kabataan ngayon na itinataguyod ang kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng sariling pagsusumikap na kumita ng pera. Kagaya na lamang ng mga working student na nagpupursige sa buhay upang makatapos lamang ng pag-aaral.

Ito ay pinatunayan ng working student na Marvin Padilla Daludado. Siya ay naging jeepney driver upang masuportahan ang kaniyang pag-aaral at makatulong sa kaniyang mga magulang. Taong 2015 pa nagsimulang mamasada si Marvin, noong umpisa ayaw raw pumayag ng kaniyang mga magulang dahil napakabata pa niya para maging isang jeepney driver. Pero hindi kalaunan pumayag na rin ang kaniyang mga magulang dahil hikahos rin sila sa buhay.

Source: Marvin Daludado

Kwento ni Marvin, may mga pasahero daw minsan na hindi siya napagkakamalang driver at mayroon ring natatakot sa kaniyang pagmamaneho dahil napakabata pa niyang tingnan. Katagalan ay nagsipag si Marvin sa pamamasada upang kumita siya ng malaki at may pangtustos siya sa kaniyang pag-aaral at kapag may sobra ibinibigay niya ito sa kaniyang ina. Sa pamamasada ni Marvin ni minsan ay hindi siya humihingi ng pera sa kaniyang mga magulang. Kapag may mga project daw sila sa school maaga siyang nagigising upang mamasada para siya ay may panggastos.

Source: Marvin Daludado

Malaki ang naitulong ng kaniyang paghahanapbuhay habang nag-aaral dahil hindi lang naman raw siya ang pinapaaral ng kaniyang mga magulang. Ayon pa kay Marvin, isang masayang karanasan ang kaniyang pagiging isang jeepney driver kahit daw sa bawat araw ay nakakaranas siya ng mainit, nakakalanghap ng usok at nakakaramdam ng pagod. Dagdag pa niya, naranasan rin daw niyang masita ng traffic enforcer at makiusap rito na ang tanging pamamasada lang kaniyang paraan upang makatapos siya ng pag-aaral. Naging sulit naman daw ang kaniyang naging karanasan dahil siya ay nakapagtapos ng pag-aaral.

Source: Marvin Daludado

Dahil ngayon, pagkatapos ng limang taong pagiging isang jeepney driver siya ay naka-graduate na bilang engineer sa kursong Bachelor of Science in Information Technology Major in Network Security, Multimedia, Web development College of Engineering sa University of the East-Caloocan. Hindi na mahalaga kay Marvin kahit walang graduation ceremony ang tanging mahalaga sa kaniya ay ang kaniyang matatanggap na diploma.
Pinasalamatan ni Marvin ang lahat ng taong naging bahagi ng kaniyang paglalakbay bilang isang driver tungo sa kaniyang tagumpay na diploma.

Source: Marvin Daludado

Hinding-hindi makakalimutan ni Marvin ang kaniyang naging mga karanasan sa kalsada. Inspirasyon ang kwentong ito ni Marvin sa lahat ng kabataan na nagiging working student. Dahil kaniyang ipinakita ang kaniyang determinasyon upang maabot niya ang kaniyang mga pangarap.

Marami ang bumilib sa kaniya, siya ay nagpursige na makatapos ng pag-aaral at sa kabilang banda ay natutulungan niya ang kaniyang mga magulang. Hinangaan si Marvin ng mga netizens dahil sa diskarte nito sa buhay, ika nga niya walang taong nagiging matagumpay sa buhay na hindi dumadaan sa hirap.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Dating Labandera At Nagbebenta Ng Kakanin Noon, Milyonaryo na Ngayon!

Amang Kahit Sa Kaniyang Huling Hininga Ay Inisip Pa Rin Ang Kalagayan Ng Kaniyang Maiiwan Na Mga Anak