in

LoveLove

Dating Labandera At Nagbebenta Ng Kakanin Noon, Milyonaryo na Ngayon!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Si Cristel Gardoce Bulabon ay isang taga Antipolo City, lumaki sa hirap si Cristel at bata pa lamang ito ay mulat na sa pagtatrabaho, maagang nagbanat ng buto si Cristel para sa kanyang mga kapatid.

Nakikitira lamang sila sa kanilang tiyuhin at kwento niya kinakailangan niya raw munang makaigib ng sampung balde ng tubig bago raw sila makakain. Anim na taong gulang pa lamang siya ng iwan sila ng kanilang mga magulang, dahil pangalawa siya sa panganay, siya na ang mismong tumayong magulang nila. Sa murang edad niya, namasukan na agad siya bilang tagahugas ng pinggan at naging tindera rin siya ng kanilang kapitbahay.

Isang pangyayari ang hindi malilimutan ni Cristel ng maabutan niya ang kanyang bunsong kapatid na nakabitin sa lamesa gamit ang sintas ng sapatos na talagang ikinabahala niya at ito ang nagtulak sa kanya upang bumukod na at umalis sa puder ng kanyang tiyuhin. Dahil sa wala na silang matirahan, naisipan nalang nila na tumira sa kubo ng kanilang kapitbahay at upang mabuhay sila ay naglako ng kakanin si Cristel kasa-kasama ang kanyang mga kapatid.

Nang balikan sila ng kanilang magulang ay dinala sila sa Antipolo at doon rin ulit iniwan, dahil malapit sa dump site ang kanilang tinitirahan, nag-aabang na lang sila roon upang mamasura. At dahil sa hirap ng buhay pinasok narin ni Cristel ang pagiging labandera, at halos limang kilometro ang kanyang nilalakad makapaglaba lamang sa ilog na nasa baba ng bundok.

At sa edad na 18 ay maagang nakapag-asawa si Cristel ngunit hindi ito pinalad dahil nakaranas siya ng pisikal at s*kswal na pang – aabuso sa kanyang napangasawa. Sa sobrang bayolente ng kanyang asawa nagawa niya ring lunurin ang sarili nilang anak at dahil rito nagawang paluin ni Cristel ng bote sa ulo ang kanyang bayolenteng asawa.

Sa kaguluhang nangyari sa pamilya niya naisipan niyang itakas ang kanyang anak ngunit nakialam ang pamilya ng kanyang asawa at pinagtulungan siyang bugbugin na halos hindi na nga raw niya makilala ang kanyang sarili dahil sa tinamong sugat at pasa na halos wasak na ang kanyang mukha.

At dahil sa daming pagsubok ang kanyang napagdaanan, naging desperada siyang makapagtrabaho namusakan siya bilang GRO at dahil rito nakilala niya ang taong babago ng kanyang buhay. Naging isang siyang telephone operator hanggang mapunta siya sa linya ng sales at naisipan niyang mag-abroad upang makaipon at ng umuwi siya sa Pinas, nagpatayo siya ng sariling computer shop, at dahil sa tuluy-tuloy ang pasok ng swerte sa kanyang buhay nakapagpatayo rin siya ng isang karenderya at isang kompanya para sa isang diving.

Nag-ipon ulit siya para makapag franchise ng isang food cart at nagawa niya nga ito. Ngayon ay nagmamay-ari na siya ng isang dampa restaurant sa Antipolo na may 12 food cart at bar at resto.

May sarili na rin si Cristel na bahay at apat ang sasakyan, at hindi rin daw bumababa sa kalahating milyon ang kanyang kinikita sa isang buwan. Sa tinatamo niya ngayong karangyaan ay hindi pa rin naman niya nakakalimutang tumulong sa kapwa at nanatiling nakaapak sa lupa ang kanyang mga paa.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Pumukaw Sa Puso Ng Netizens Ang Isang Amang Binilhan Ng Sapatos Ang Kaniyang Anak Mula Sa Naipon Nitong Pera Kahit Na Mahirap Ang Buhay

Isang Estudyanteng Namamasada Ng Jeep Noon Upang Makatapos Sa Kolehiyo, Isa Ng Engineer Ngayon