in

LoveLove CryCry CuteCute OMGOMG

Pumukaw Sa Puso Ng Netizens Ang Isang Amang Binilhan Ng Sapatos Ang Kaniyang Anak Mula Sa Naipon Nitong Pera Kahit Na Mahirap Ang Buhay

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ginagawa ng isang magulang ang lahat ng bagay na nakapag-papasaya sa kaniyang anak. Kahit na mahirap ang buhay pinagsisikapan ng isang magulang na maibigay sa kaniyang anak ang mga pangangailangan nito. Kagaya ng isang amang hikahos man sa buhay ay nagawa pa rin na maibigay sa anak ang isang bagay na gustong-gusto nito.

Source: Facebook

Sa facebook page ng Note, naibahagi ang kwento ng isang ama na pinagsikapan na mabili ang matagal ng gusto ng kaniyang anak na sapatos. Ayon sa post, ibinili ng tatay ang kaniyang anak ng isang pares ng sapatos sa isang shop. Makikita sa larawan na nagbibilang ito ng kaniyang mga naipon na pera mula sa kaniyang alkansiya na siyang ipinambayad niya sa cashier. Ang perang ito ay matagal na pinag-ipunan ng tatay dahil kaniyang pinaglaanan ang gustong sapatos ng kaniyang anak.

Source: Facebook

Masaya ang tatay dahil sa tagal ng kaniyang pag-iipon ay maibibili na niya ang sapatos na gusto ng kaniyang anak. Labis naman ang naging kasiyahan ng anak dahil maisusuot na niya ang sapatos na matagal na niyang inaasam. Para sa tatay, lahat ay gagawin niya para sa kaniyang anak upang maitaguyod ang lahat ng pangangailangan ng kaniyang anak. Kahit na mahirap lamang sila, ang importante para sa kaniya ay ang maging masaya ang kaniyang anak.

Source: Facebook

Napakaswerte ng batang ito na magkaroon ng mapagmahal at mapag-arugang ama. Na ang tanging mahalaga ay ang ikakasaya ng kaniyang anak. Ipinakita lamang ng tatay kung kagaano niya higit na kamahal ang kaniyang anak. Dahil nagawa niyang pag-ipunan ang matagal ng gustong sapatos ng kaniyang anak. Kahit na barya barya lamang ang kaniyang naipon na nakabuo naman ito ng halaga ng sapatos na gusto ng kaniyang anak.

Tunay ngang dakila ang ama na ito dahil sa ipinakita niyang pagmamahal sa kaniyang anak. Nawa’y maging inspirasyon pa sa iba ang ipinakitang pagsuporta ng amang ito sa kaniyang anak.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Silipin Dito Ang Nakakatuwang Closeness Ng Mag-amang Sina Jake Ejercito at Ellie Eigenmann

Dating Labandera At Nagbebenta Ng Kakanin Noon, Milyonaryo na Ngayon!