in ,

Bianca Gonzalez, Proud Na Ipinasilip Ang Kanilang Dream House At Ang Second Floor Renovation Nito

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Marami sa atin ang pinapangarap magkaroon ng sariling bahay lalo na’t nagsisimula nang bumuo ng pamilya kasama ang ating partners. Kaya naman ay hindi maitatago ang saya na mararamdaman tuwing nakikita natin ito na unti-unting natutupad.

Source: Bianca Gonzalez IG

Pretty at talented host na si Bianca Gonzalez kasama ang asawa nitong si JC Intal ay proud na ibinahagi sa netizens at fans ang sneak peek ng kanilang dream house na kasalukuyang ipinapagawa ang ikalawang palapag. Sinimulan ipatayo ang bahay noon pang September 2018 at ito ay malaki laki kumpara sa kanilang tinutuluyan. Ibinahagi ni Bianca sa personal Instagram account nito na ang asawang si JC ang nagpundar ng kanilang tirahan at ginagawa ito noong magkasintahan pa lamang sila.

Source: Bianca Gonzalez IG
Source: Bianca Gonzalez IG
Source: Bianca Gonzalez IG

Malawak-lawak naman ang bahay nila at dito na rin namulat ang dalawa nilang anak na si Lucia at Carmen. Bagamat marami na ring ala-ala ang kanilang pamilya sa bahay na ito ay marami rin silang nakitang puna rito. Medyo hindi maganda ang ventilasyon umano ng bahay at maliit umano ang kusina nito. Lahat ng nais nilang mabago sa lumang bahay ay binawi nila sa kanilang ipinapagawang bahay. Ito ay nilagyan nila ng maraming binatana at espasyo ang kusina.

Source : Bianca Gonzalez IG

Mas nilakihan rin nila ang size ng kwarto ng mga bata upang magkaroon pa ng space ang mga ito na maglaro. Mas pinagigihan ng magasawa ang pagdedesisyon at pamimili ng disenyo para sa kanilang dream house lalo na’t pinaplano nilang manirahan rito ng matagal.

Source: Bianca Gonzalez IG

Isa sa mga pamahiin na ginawa ng magasawa ay ang paglalagay ng barya sa lupa ng pundasyon ng kanilang bahay. Ito ay para umano mapanatili ang yaman ng pamilya at hindi kulangin sa kanilang pang araw- araw na pangangailangan.

Source: Bianca Gonzalez IG
Source : Bianca Gonzalez IG

Sa huling post ni Bianca ay ipinakita naman nito na under construction ang kanilang ikalawang palapag. Talaga namang excited na ang pamilya na manirahan sa kanilang bagong bahay at gumawa ng bagong memories sa pamamahay na ito. Walang duda na maganda at engrande ang labas ng kanilang bahay lalo na’t hands-on ang magasawa rito.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Taong Nakaisip Na Ilagay Ang Mukha Ni Willie Revillame Sa P5,000 Commemorative Bill, Hinahanap At Bibigyan Niya Ng Pera!

Silipin Dito Ang Nakakatuwang Closeness Ng Mag-amang Sina Jake Ejercito at Ellie Eigenmann