in

AngryAngry

Taong Nakaisip Na Ilagay Ang Mukha Ni Willie Revillame Sa P5,000 Commemorative Bill, Hinahanap At Bibigyan Niya Ng Pera!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Kilala si Willie Revillame sa pamimigay ng tulong at pera sa mga mahihirap, halos sobrang dami niya ng natulungan at talagang siya’y hinahangaan at iniidolo ng karamihan. Kaya isang P5,000 bill na may mukha ni Willie ang nagviral sa social media na talagang pinagkatuwaan ng marami, nangyari ito ng maglabas ang Bangko Sentral ng Pilipinas noong buwan ng Enero ng isang commemorative banknote na may halagang Php5,000 na may mukha ni Lapu-lapu at dahil may pagkamalikahin ang mga pinoy ay ginawan nila ito ng ibat-ibang version at isa na rito ang version ni Willie Revillame na imbes mukha ni Lapu lapu ang naimprenta sa pera ay naging mukha ni Willie.

Source: Google

At dahil sa kumalat ito at nakarating na rin mismo kay Willie Revillame ang nasabing perang may mukha niya ay ikinatuwa niya rin ito at ayon sa kanya hinahanap niya ang gumawa nito upang bigyan ng tripling halaga ng pera kunga nasaan ang mukha ni Willie.

Source: Google

Ito ang kanyang naging pahayag, “akala ko totoo! Yan ba yun? Ilagay niyo Paybtawsan. Okay nakakatawa. Kung sinuman ang nag-isip niyan, magpakilala ka. Bibigyan kita, titriplehin ko yan, may 15,000 ka!”

Source: Google

Kaya kung sino ka mang nakaisip niyan, wag nang magdalawang isip na magpakilala dahil sa iyong ginawa, si Kuya Will ay natuwa kaya may nag-aantay sa’yong papremyong nagkakahalaga ng 15,000 pesos. Isang malaking tulong na ito para sayo dahil sa pagkamalikhain mo.

Source: Google

Nawa’y marami pa ang matulungan ni Willie lalo na sa panahon ngayon ng pandemya marami ang naghihirap at nawalan ng trabaho. Malaking tulong na para sa kanilang ang isang malasakit ng kapwa nila Pilipino na may mabubuting puso.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang Napakasipag Na Ama Ang Nakapagpatapos Ng Kaniyang Anak Sa Kolehiyo, Kahit Na Siya Ay Isa Lamang Basurero

Bianca Gonzalez, Proud Na Ipinasilip Ang Kanilang Dream House At Ang Second Floor Renovation Nito