in

LoveLove CuteCute CryCry LOLLOL OMGOMG WTFWTF AngryAngry

Isang Napakasipag Na Ama Ang Nakapagpatapos Ng Kaniyang Anak Sa Kolehiyo, Kahit Na Siya Ay Isa Lamang Basurero

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Hindi madali ang magtaguyod ng mga anak, ngunit bilang isang magulang kinakaya natin ito upang maibigay ang anumang pangangailangan ng ating mga anak. Kaya lahat ng pagsusumikap at pagtitiyaga sa trabaho ay ginagawa ng isang magulang kahit kayod-kalabaw pa man ito. Katulad na lamang ng kwento ng isang amang garbage collector na matagumpay niyang napagtapos ang kaniyang isang anak sa kolehiyo.

Source: GMA

Ito ang kwento ni Mang Cristito Quimado, siya ay matagal ng garbage collector. Tanging ito lamang ang kaniyang ikinabubuhay para sa kaniyang pamilya. Hindi pa man sumisikat ang araw ay nagbabanat na ng buto si Mang Cristito dahil ang kaniyang mga basurang kinokolekta ay ginto para sa kaniyang pamilya. Sa loob ng higit 20 taon, puro basura ang kaniyang nakakasalamuha sa araw-araw. Ngunit tinitiis ni Mang Cristito ang amoy ng mga basura upang kumita lamang ngpera at matugunan ang mga pangangailangan ng kaniyang 6 na anak.

Source: GMA

Ayon pa kay Mang Cristito, mahalaga para sa kaniya ang pag-aaral ng kaniyang mga anak kung kaya’t hangga’t kayang niyang maghanapbuhay ay gagawin niya para makatapos lamang ang kaniyang mga anak. Kahit kailan daw ay hindi niya pinababayaan ang pag-aaral ng kaniyang mga anak dahil tanging ito lamang ang kaniyang maibibigay para sa mga ito. Kaya naman ang lahat ng pagsasakripisyo ni Mang Cristito sa kaniyang pagtatrabaho ay nagbunga ng isang matagumpay na resulta dahil napagtapos niya sa kolehiyo ang kaniyang isang anak na babae na si Jenny Rose Quimado.

Source: GMA

Mahirap man para kay Mang Cristito ang magpa-aral ng 6 na anak ay kaniya itong kinakaya kahit raw minsan ay wala na silang makain. Ayon kay Jenny Rose, pinagsisikapan raw niyang makapagtapos ng pag-aaral kahit daw minsang ay naranasan niyang manghiram ng pera sa kaniyang mga kaklase. Para kay Jenny Rose, isang marangal na hanapbuhay ang ginagawa ng kaniyang ama kaya labis siyang nagpapasalamat rito dahil ni minsan ay hindi sila pinabayaan. At ni minsan, hindi niya ikinahiya ang hanapbuhay ng kaniyang ama bagkus ipinagmamalaki niya pa ito, dahil ito ang bumuhay sa kanilang pamilya.

Source: GMA

Isang magandang magpupugay ito para sa kaniya bilang isang ama, dahil kahit isa lamang siyang basurero ay nagawa niyang mapagtapos ang kaniyang anak sa kolehiyo sa kabila na rin ng hirap ng buhay. Maituturing na isang “Superdad” si Mang Cristito dahil sa kaniyang determinasyon na makapagtapos ng pag-aaral ang kaniyang mga anak.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Mamang Pulis, Pinakyaw Ang Panindang Saging Ng Lolo Na Naglalako Habang Tirik Na Tirik Ang Araw

Taong Nakaisip Na Ilagay Ang Mukha Ni Willie Revillame Sa P5,000 Commemorative Bill, Hinahanap At Bibigyan Niya Ng Pera!